
Mahigit isang linggo na mula nung nanalo si Katrina Llegado bilang Miss Supranational, at ngayon ang pinakabagong beauty pageant titleholder ng bansa ay nagpapasalamat sa mga taong sumusuporta sa kaniya.
Kamakailan lang ay nag-upload ng mga picture sa kaniyang Instagram account si Katrina na nagpapakita ng mga taong sumuporta sa kanya sa kanyiang Miss Supranational journey, tulad ng kaniyang mga magulang, The Miss Philippines organization, at ang team na tumulong sa kaniya maghanda para sa Miss Supranational pageant.
Sinulat din ni Katrina sa caption na kasama niya sa kaniyang “million dreams” ang mga tao “who believed, stayed, and dreamed” katabi niya.
Ang post ng pasasalamat ni Katrina ay nangyari habang siya ay nasa Budapest, Hungary, kung saan nag-upload siya ng pictures mula sa kaniyang trip. Isa ito sa mga aktibidad na ginawa ni Katrina isang linggo pagkatapos niyang manalo bilang Miss Supranational.
Related gallery: Miss Supranational Katrina Llegado's week in fashion
Maliban sa kaniyang trip to Hungary, ang unang linggo ni Katrina bilang Miss Supranational ay puno rin ng mga fashionable moments, tulad ng white Ehrran Montoya gown na sinuot niya pagkatapos niyang manalo hindi lang para sa isang photoshoot, kundi para na rin sa Mister Supranational runway.
Samantala, isa namang Rian Fernandez ombre evening gown ang suot ni Katrina sa kanyang winning moment. Ayon kay Katrina, layunin niya at ng gown na maka-inspire sa mga tao to “dream bigger, stand taller, and keep believing”.
Standout din si Katrina noong national costume competition ng Miss Supranational, kung saan suot niya ang isang gumamela-inspired national costume na gawa ng designer na si Michelle Viray. Sa kanyang Instagram account, sinulat ni Katrina na mukha mang delicate ang gumamela, “it blooms with resilience, strength, and beauty wherever it grows.”
Related gallery: Here's how Miss Supranational PH Katrina Llegado spent her first week in Poland