GMA Logo Miss Supranational Philippines Katrina Llegado
Photo source: @the_missphilippines
What's Hot

Miss Supranational PH Katrina Llegado, angat ang ganda sa national costume

By Ron Lim
Published July 31, 2026 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - NBI holds a press briefing (July 31, 2026) - Replay | GMA News
Makati's 'Weekend Shared Street' begins this August
New PUV traffic scheme in CDO faces backlash

Article Inside Page


Showbiz News

Miss Supranational Philippines Katrina Llegado


Angat ang ganda ni Miss Supranational Philippines Katrina Llegado sa gumamela-inspired national costume na gawa ng designer na si Michelle Viray.

Ilang oras na lamang bago koronahan ang panibagong Miss Supranational, at hindi maitatanggi na namumulaklak ang kasalukuyang Miss Supranational Philippines Katrina Llegado sa kompetisyon.

Nag-upload ang The Miss Philippines organization at si Katrina mismo ng ilang mga photos at videos sa kanilang respective Instagram accounts, kung saan makikita si Katrina na suot ang gumamela-inspired national costume na gawa ng designer na si Michelle Viray. Sa kanyang Instagram account, sinulat ni Katrina na delicate man tingnan ang gumamela, “it blooms with resilience, strength, and beauty wherever it grows.”

A post shared by Katrina Llegado (@katllegado)

Related Gallery: Here's how Miss Supranational PH Katrina Llegado spent her first week
in Poland

Samantala, nanawagan naman ang The Miss Philippines organization sa kanilang post na iboto si Katrina sa Miss Supranational Costume Fan Vote, kasama ang instructions kung paano ito gawin.

A post shared by The Miss Philippines (@the_missphilippines)

Ang national costume moment ni Katrina ay isa lamang sa kanyang mga fashion moments sa Miss Supranational. Kamakailan lamang ay nag-upload ang The Miss Philippines organization ng mga picture ni Katrina sa Elegance Round ng Miss Supranational 2026 preliminary evaluation, suot ang gown na gawa ng designer na si Pablo Mendez III.

Pinaalalahanan din ng The Miss Philippines organization na pwede pang iboto si Katrina sa Supra Fan Vote.

A post shared by The Miss Philippines (@the_missphilippines)

Meron ding shared fashion moment si Katrina kasama si Mister Supranational Philippines Felipe Marasigan kung saan pareho silang nakasuot ng sportswear. Sa caption ng Instagram post ng The Miss Philippines organization, sinabi ng organization na dala ni Katrina ang kaparehong energy at discipline sa Miss Supranational preliminary evaluation stage na dala niya sa pickleball court.

A post shared by The Miss Philippines (@the_missphilippines)

Rumampa rin si Katrina sa Miss Supranational runway suot ang isang kumikinang na outfit mula kay designer Ryan Ablaza Uson.

A post shared by The Miss Philippines (@the_missphilippines)

Samantala, ang modern Filipiniana naman ni Renee Salud ang suot ni Katrina para sa kanyang closed-door interview para sa Miss Supranational pageant.

A post shared by Katrina Llegado (@katllegado)

Modern Filipiniana naman na gawa ng designer na si Manny Halasan ang suot ni Katrina sa kanyang sashing ceremony sa Hotel Swing sa Poland. Sa Instagram, sinabi ni Katrina na karangalan “to carry a piece of Filipino craftsmanship” sa simula ng kanyang Miss Supranational journey.

A post shared by Katrina Llegado (@katllegado)

Pinangalanang Miss Supranational Philippines si Katrina noong 2025, sa parehong pageant kung saan kinoronahan ang kasalukuyang Sparkle artist na si Ahtisa Manalo bilang Miss Universe Philippines.