
Sa ikalawang linggo ng Miss The Dragon, isang kakaibang nilalang ang umatake sa maharlika na si Xia Hou at agad itong binawian ng buhay.
Dahil sa pagkamatay ni Xia Hou ay nanganganib ngayon ang buhay ng kanyang maidservant na si Liu Ying.
Upang mapigilan ang panganib na ito, kinakailangan na mabawi ang kaluluwa ni Xia Hou sa panginoon ng LouFeng at ang makakagawa lamang nito ay ang haring dragon na si Longyan.
Dahil sa kanyang pagmamahal para kay Liu Ying, gumawa ng paraan si Longyan upang makuha ang kaluluwa ni Xia Hou ngunit hindi ito naging madali para sa kanya.
Labag man sa kautusan at kaniyang paniniwala bilang haring dragon ay lumusob siya sa lugar ng panginoon ng LouFeng.
Pagdating dito ay isang mabigat na sakripisyo ang gagawin ni Longyan para kay Liu Ying.
Tutukan ang kuwento ng Miss The Dragon, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA.