
Sa ikatlong linggo ng Miss The Dragon, isang sakripisyo ang ginawa ni Longyan para kay Liu Ying.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakipagkasundo ang haring dragon na si Longyan sa panginoon ng LouFeng. Dahil ito ang nag-iisang paraan niya upang magkasama pa rin sila ni Liu Ying.
Dahil sa kanyang pagpapakumbaba, nalaman ni Longyan ang isang paraan upang tumagal pa ang buhay ni Liu Ying. Ito ay ang pagtanggal ng isa sa kanyang kaliskis at paglipat nito sa lalaking nakatakda kay Xia Hou.
Si Xia Hou ang amo ni Liu Ying na naging dahilan upang mabingit sa kamatayan ang kanyang buhay.
Ngunit, nadugtungan man ang buhay ni Liu Ying, isa sa kapalit nito ay ang pagkawala ng kanyang ala-ala kung kaya't sa paggising nito hindi niya na makilala si Longyan.
Ano ang gagawin ni Longyan upang maging malapit muli kay LiuYing?
Tutukan ang kuwento ng Miss The Dragon, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA.