
Kaya mo bang hintayin ang iyong minamahal kahit tatlong magkakaibang panahon pa ang magdaan?
Inihahandog ng GMA Network ang 2021 Chinese drama na nagpasaya, nagpakilig, at nagpaluha sa maraming manonood sa Asya -- ang Miss the Dragon.
Matutunghayan sa fantaseryeng ito ang kuwento ng pag-ibig ng dragon king na si Yuchi Longyan na ginagampanan ng award-winning Chinese actor na si Dylan Wang at ang mortal na maidservant na si Liu Ying na ginagampanan naman ng aktres na si Zhu Xu Dan.
Sa una nilang pagkikita ay aakalain ni Liu na isang lamang ahas ang dragon King na si Yuchi kaya't iniligtas at inalagaan niya ito. Sa kabila ng pagiging mortal ay mapapamahal sila sa isa't isa.
Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari ay kinakailangang magkalayo ng dalawa. Ipapangako ni Yuchi na pakakasalan niya si Liu pagkatapos ng tatlong magkakaibang panahon.
Subalit pagdating sa ikaapat na buhay ni Liu ay malilipat siya katauhan ni Gu Qing Yan.
Matuloy pa kaya ang pangakong kasalan na dumaan na sa maraming salinlahi?
Abangan ang kakaibang kuwento ng Miss the Dragon, ngayong July 11 na sa GMA.