GMA Logo Aiko Melendez and Miss Universe 2020 Andrea Meza
What's on TV

Miss Universe 2020 Andrea Meza at Aiko Melendez, magkahawig ayon sa netizens

By Aaron Brennt Eusebio
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated May 18, 2021 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez and Miss Universe 2020 Andrea Meza


Tweet ng isang netizen, "Hindi mo kami maloloko Aiko Melendez #MissUniverse."

Maraming ang nagpaabot ng pagbati sa batikang aktres na si Aiko Melendez matapos manalo ni Miss Mexico Andrea Meza sa katatapos lang na Miss Universe 2020 pageant.

Ayon sa ilang netizens sa Twitter, may pagkakahawig kasi sina Aiko at Andrea.

"Congratulations Ms. Aiko Melendez for winning Miss Universe 2020," sulat ng isang fan.

Komento naman ng iba pang fans, hindi sila maloloko ni Aiko na nagpapanggap bilang si Andrea.

"Hindi mo kami maloloko Aiko Melendez #MissUniverse."

Hindi pa natapos dito ang usapan dahil marami ding netizens ang nag-post ng mga larawan nina Aiko at Andrea na magkahawig.

Balikan ang naging paglalakbay ni Miss Mexico Andrea Meza patungong Miss Universe sa gallery na ito:

Samantala, bibida pa rin si Aiko sa Book 2 ng top-rated afternoon drama ng GMA na Prima Donnas bilang si Kendra.

Mapapanood ang full catch-up episodes ng book 1 ng Prima Donnas sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.