GMA Logo Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel
What's on TV

Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel, nasa Pilipinas para matutunan ang kulturang Pinoy

By Maine Aquino
Published April 18, 2024 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel


Alamin ang mga kuwento ni Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel sa kaniyang pagbisita sa Pilipinas.

"Sobrang traffic naman!"

Ito ang unang naging hayag ni Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel na kaniyang natutunan sa kaniyang pagbisita sa Pilipinas.


Ngayong April 18, napanood si R'Bonney sa TiktoClock na nakikisaya sa mga Tiktropa. Inilahad din ng Filipino-American ang kaniyang gagawin sa pagbisita sa Pilipinas.

Ayon kay R'Bonney, nasa Pilipinas siya ngayon para matutunan ang kulturang Pinoy.

Si R'Bonney ay ang first Filipino-American na kinoronahan bilang Miss Universe. Siya ay nagwagi sa 71st Miss Universe competition na ginanap sa New Orleans, Louisiana.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Meet Filipino-American R'Bonney Gabriel, the newly crowned Miss Universe 2022


A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Kuwento pa ni R'Bonney sa TiktoClock ay ang kaniyang Filipino background.

"I grew up in Houston, Texas but my father is from Malate."

Sunod dito ay ang paboritong Filipino food ni R'Bonney. "My favorite is sinigang, ensaymada too. Hindi ako kumakain ng karne, pescatarian ako."

Inilahad pa ni R'Bonney ang iba pang mga gagawin niya sa Pilipinas.

"So many projects, modeling, hosting. I am very excited. I got here a week ago."

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Nagpasalamat naman ang beauty queen sa pagkakataong makabisita sa TiktoClock. Siya ay napanood din sa “Ulo ng mga Balita” segment ng TiktoClock.

"It was so fun, but I'm sorry I got them all wrong. Thank you for having me."