GMA Logo miss universe victoria theilvig
Source: GMA Network
What's Hot

Miss Universe 2024 Victoria Theilvig, nag-walk out MU 2025 event

By Mark Joseph F. Carreon
Published November 5, 2025 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebuano artist featured in Holy Week exhibit at Casa Gorordo Museum
Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

miss universe victoria theilvig


Emosyonal na nag-walk out at nagsalita patungkol sa women's rights si Miss Universe 2024 Victoria Theilvig sa sashing ceremony ng Miss Universe 2025 sa Thailand.

Hindi kinaya ng reigning Miss Universe na si Victoria Theilvig ang mga kaganapan sa sashing ceremony ng Miss Universe sa Bangkok, Thailand. Ito ay matapos magkaroon ng mainit na komprontasyon ang Miss Universe Thailand national director na si Nawat Itsaragrisil at si Fátima Bosch, na kasalukuyang Miss Universe Mexico.

Source: GMA Network

Ayon sa mga ulat, nag-ugat ang tensiyon sa pagitan ng dalawa nang akusahan ni Nawat si Miss Mexico na hindi umano ito dumalo sa isang sponsor shoot at hindi nakikipagtulungan sa organisasyon. Mas uminit ang tapatan nang sabihan ni Nawat si Miss Mexico ng mga hindi magagandang salita.

Dagdag pa rito ay nagpatawag rin si Nawat ng mga security upang kunin si Miss Mexico, ngunit siya na rin mismo ang kusang tumayo at umalis sa sashing ceremony.

Source: GMA Network

Agad namang tumayo at umalis ang ilang kandidata, kasama na ang reigning Miss Universe 2024 na si Victoria, bilang suporta at pakikiisa kay Miss Mexico.

Sa isang panayam kay Victoria pagkalabas ng venue, emosyonal niyang sinabi: “This is about the women's rights. I'm so sorry, we need to do something bigger. We have respect for everyone, but this is not how things can be handled.”

Giit pa niya na ang ginawa ni Nawat kay Miss Mexico ay “beyond disrespectful”. Matapos ang kanyang panayam ay tuluyan na siyang umalis sa venue.

Matapos ang insidente, nagpaabot ng kanyang pahayag Miss Universe president Raul Rocha, “Every woman in the world should be respected. I will not allow any of them to be attacked and humiliated”, sabi niya.

Source: GMA Network

Humingi naman ng tawad si Nawat sa isang pahayag: “I would like to apologize to all Miss Universe fans. This is the best I can do, as my patience also has its limits. Once again, I'm sorry if I've made anyone feel uncomfortable while watching this year's Miss Universe."

Source: GMA Network


Sa kabila nito, tuloy pa rin ang laban ng mga kandidata, kabilang ang pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo. Nakatakdang hirangin ang 74th Miss Universe sa Coronation Night sa November 21, 2025.

Related Gallery: 'High-level delegation' mula Miss Universe Organization