Article Inside Page
Showbiz News
Mary Jean is off to Florida to compete in the Miss Universe competition. Good luck!
By AEDRIANNE ACAR
Lumipad na kahapon ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Mary Jean Lastimosa papuntang Florida, U.S.A kung saan gaganapin ang kompetisyon sa January 25.
Ayon sa panayam ng 24 Oras sa beauty queen, tila tadhana daw niya na masungkit ang korona matapos mabigo ng dalawang beses. Bukod pa diyan, dahil sa pagbabago ng pageant rules ng Binibining Pilipinas na itaas ang age requirement mula 25 years old to 26 years old, ay nabigyan uli siya ng opportunidad na lumaban muli.
Ani ni Mary Jean, “When I decided to join Binibining Pilipinas, of course it’s every girls dream to win the Miss Universe title. It’s really [the] Miss Universe pageant that I have been dreaming [of].”
Pinabulaanan din ni Mary Jean ang mga kumakalat na tsismis sa social media na siya ay nag-back out at mga paninira na pinupukol sa kanya.
Matapang itong sinagot ng beauty queen at para sa kanya, maganda daw na pinag-uusapan siya ng mga tao.
“It’s good people talk about me [laughs]. It’s okay.”
Sunud-sunod ang naging tagumpay ng Pilipinas sa Miss Universe. Mula 2010, lahat ng pambato natin sa beauty contest ay nag-place sa top five: Venus Raj, 2010 (4th runner-up) ; Shamcey Supsup, 2011 (3rd runner-up); Janine Tugonon, 2012 (1st runner-up) at Ariella Arida, 2013 (3rd runner-up).
Unang napanalunan ng bansa ang Miss Universe crown matapos makuha ito ni Gloria Diaz taong 1969 at nasundan ito ng manalo si Margie Moran noong 1973.