GMA Logo Miss Universe Organizaton at Miss Universe Thailand,
What's Hot

Miss Universe Organization at Miss Universe Thailand, nagsagutan tungkol sa 'unauthorized online voting at special event'

By Ron Lim
Published November 3, 2025 8:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Alas Women fall to Vietnam in volleyball semis, drop to bronze medal game
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Miss Universe Organizaton at Miss Universe Thailand,


Iginigiit ng Miss Universe Thailand na parte ng promotional package ang inorganisa nilang “Special Dinner & Talk Show' event, ngunit hindi ito kinikilalang event ng Miss Universe Organization.

Hindi pa man nagsisimula ang Miss Universe pageant ay meron na kaagad kontrobersyang nangyari, at sinusundan ito ng mga pageant fans sa social media.

Naglabas ang statement ang Miss Universe Organization sa kanilang official Instagram account na nagsasabing hindi authorized event ang “Special Dinner & Talk Show” na inorganisa ng Miss Universe Thailand. Ayon sa kanilang statement, ang aktibidad na ito at ang online voting na kasabay nito ay itinuturing nilang violation ng intellectual property rights at brand integrity.

Pinaalala din ng organization sa statement at sa caption ng Instagram post nila na ang anumang kaganapan, aktibidad, o online initiative na hindi galing sa kanilang verified channels ay maituturing na unauthorized. Binanggit din ng organization na meron silang legal na karapatan na aksyunan ang sino mang gagamit ng kanilang intellectual property, trademarks, at brand assets ng walang pahintulot.

"Miss Universe Organization reserves all legal rights to take appropriate action against any individual, company, or entity found to be using its intellectual property, trademarks, or brand assets without permission, including but not limited to the Miss Universe name, logo, imagery, or official event designations," saad nila sa kanilang statement.

Isang post na ibinahagi ni Miss Universe (@missuniverse)

Ang “Special Dinner & Talk Show” na tinutukoy ng Miss Universe Organization ay unang nabanggit sa Instagram ng Miss Universe Thailand, kung saan merong mga posts ng headshot ng mga kandidata ng Miss Universe na may caption na nagbibigay ng instruction kung paano bumoto para sa mga sinusuportahang mga kandidata ng pageant fans. Ang top 10 sa botohan ay magiging parte ng “Special Dinner & Talk Show” kasama si Nawat Itsaragrisil, Bise Presidente ng Miss Universe Asiana at Presidente ng Miss Universe Thailand.

Isang post na ibinahagi ni @missuniversethailand

Naglabas naman ng sariling statement ang Miss Universe Thailand na sinasagot ang Miss Universe organization. Ayon sa Miss Universe Thailand, ang “Like” voting campaign para sa “Special Dinner & Talk Show” kasama si Nawat Itsaragrisil ay parte ng official marketing package ng host country na Thailand, at may karapatan daw silang mag-organisa ng mga promotional activities sa loob ng kanilang teritoryo.

Ayon sa Miss Universe Thailand, ang statement na inilabas ng Miss Universe organization ay nagdulot ng “public misunderstanding”, kahit na may karapatan daw silang mag-organisa ng ganitong mga event. Sinabi rin ng Miss Universe Thailand na kinakausap nila ang kanilang legal team tungkol sa mga potensyal na impact sa kanilang Thai sponsors, at handa daw silang magpursige ng legal na kaso kung kinakailangan.

Isang post na ibinahagi ni @missuniversethailand

Naiipit naman sa gitna ng dalawang organization na ito ang mga kandidata ng Miss Universe 2025, kabilang na ang kandidata ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo. Noong nakaraang araw lamang ay nagkaroon ng masayang send-off ang mga Filipino pageant fans para kay Ahtisa.

Sa Instagram post ng Miss Universe Philippines, nagpasalamat ang organization sa mga taong nagtungo sa NAIA Terminal 1 departure area para batiin si Ahtisa.

Isang post na ibinahagi ni Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)

Related gallery: Miss Universe Philippines Ahtisa Manalo and her stylish looks

Ang coronation night ng 2025 Miss Universe ay mangyayari sa November 21 sa Bangkok, Thailand.