
Naglabas ng statement ang Miss Universe Organization (MUO) sa kanilang mga social media accounts na mananatili ang kasalukuyan nitong mga may-ari at liderato.
Sa isang statement na nakalagay sa kanilang Instagram account at iba pang social media accounts, inihayag ng Miss Universe Organization na nais nilang i-address ang mga “recent false and misleading statements” na diumano “falsely suggest acquisition or purchasing opportunities.”
Ayon sa kanilang statement, mananatili ang kasalukuyang may-ari at liderato ng Miss Universe Organization, at kasalukuyan nilang kinokonsulta ang kanilang mga legal advisors kung paano i-address ang mga “false, misleading, or unauthorized actions or statements.”
Nanawagan din ang organisasyon sa publiko at sa media na tutukan lamang ang kanilang official social media channels at ang kanilang opisyal na website, www.missuniverse.com.
Inilabas ng MUO ang kanilang statement pagkatapos sabihin ng dating governor at businessman Chavit Singson eksklusibo sa GMA Lifestyle exclusively na plano niyang makipagkita sa MUO ngayong buwan upang makipag-usap at posibleng bilhin ang organisasyon.
Ang pagnanais ni Chavit na bilhin ang MUO ay nagsimula pagkatapos ng 2025 Miss Universe pageant, kung saan ang pagkapanalo ni Miss Mexico Fatima Bosch ay nabahiran ng mga akusasyon ng pandaraya at favoritism. Meron ding arrest warrant para sa kasalukuyang president ng MUO na si Raul Rocha, na diumano ay umamin sa fuel smuggling sa opisina ng Mexican Attorney General. Sinampahan din siya ng kaso na drugs at weapons trafficking.
RELATED GALLERY: Check out the controversial events in this year's pageant scene
Ang representative ng bansa nitong nakaraang Miss Universe pageant ay si Ahtisa Manalo, na nagtapos bilang third runner-up.