
May pag-uusapan na naman ang mga beauty pageant fans ngayong may panibagong sagutan sa pagitan ng Miss Universe organization at ni Nawat Itsaragrisil.
Naglabas ng isang statement sa kanilang website at sa kanilang opisyal na Instagram account ang Miss Universe organization na nagsasabi na si Nawat Itsaragrisil ay walang “employment, corporate, executive, operational, or legal position" sa organization, at wala siyang authority na magsalita para sa organization.
Idineklara rin ng Miss Universe organization sa kanilang statement na walang kinikilalang legal, contractual, o commercial relationship ang Miss Universe Eastern Pte. Ltd. sa Miss Universe organization, kaya wala rin itong authority na mag-appoint ng officers o maglabas ng mandato tungkol sa organization.
Ikinabit din ng Miss Universe organization si Nawat kay Anne Jakrajutatip, ang dating CEO ng Miss Universe organization at may-ari ng JKN Global Group na subject ng mga arrest warrants dahil sa kanyang hindi pagsipot sa verdict hearing ng kanyang fraud case na umabot sa halagang ฿30 million o P56,954,715 kung kasalukuyang exchange rates ang pagbabasehan.
RELATED GALLERY: Follow Miss Universe owner Anne Jakrajutatip's busy day at GMA
Sinabi rin ng Miss Universe organization na ang tanging connection ni Nawat sa organization ay ang kanyang ownership ng Miss Universe Thailand franchise, at kahit ang ownership na ito ay under discussion sa loob ng organization.
Ang statement na ito ay inilabas ng Miss Universe organization pagkatapos maglabas ng statement ang Miss Universe Eastern Pte. Ltd. na nagtatanog ukol sa “certain governance, compliance and financial matters to the attention of the Puerto Rico Tourism Company and requested appropriate clarification and review.”
Ayon sa Miss Universe organization, ang statement na ito ay “unauthorized, have no binding effect, and do not represent the facts, records, operations, or official position of the Miss Universe Organization.” Inudyok din ng organization si Nawat na maglabas ng “legitimate legal documentation establishing any authority he claims to hold within the Organization.”
Tinapos ng Miss Universe organization ang statement kung saan na matutuloy ang Miss Universe coronation night sa Puerto Rico ngayong November.
Ito ang pangalawang beses na ni-reaffirm ng Miss Universe organization ang kanilang ownership ng pageant. Noong January, naglabas ng statement ang organization para sagutin ang “recent false and misleading statements” na diumano “falsely suggest acquisition or purchasing opportunities.”
Ayon sa statement, nanatili pa rin ang ownership at leadership ng organization at “actively reviewing” ang kanilang legal advisors kung paano sasagutin ang “false, misleading, or unauthorized actions or statements.”
Nanawagan din ang organization sa “public, partners, and members of the media” na makinig lamang sa official social channels, at pati na rin sa official website, www.missuniverse.com.
Inilabas ng Miss Universe organization ang statement pagkatapos eksklusibong sabihin ng dating governor at businessman Chavit Singson na makikipagkita siya sa MUO upang pag-usapan at i-negotiate ang posibilidad na bilhin ang organization.
Ang kagustuhan ni Chavit na bilhin ang Miss Universe ay nangyari pagkatapos ng pagkapanalo ni Miss Mexico Fatima Bosch sa gitna ng mga alegasyon ng fraud at favoritism. Meron ding arrest warrant para sa kasalukuyang president ng organization na si Raul Rocha, na diumano ay umamin sa fuel smuggling sa opisina ng Mexican Attorney General. Kinasuhan din siya ng drugs at weapons trafficking.
RELATED GALLERY: Check out the controversial events in this year's pageant scene
Si Ahtisa Manalo ang representative ng bansa sa nagdaang Miss Universe pageant, na nagtapos bilang third runner-up. Dalawang homecoming parade din ang ginawa para kay Ahtisa.