GMA Logo Miss Universe Philippines National Costume
Photo source: Seven Barretto via @themissuniverseph
What's Hot

Miss Universe PH Ahtisa Manalo, pasabog ang fiesta-inspired national costume

By Ron Lim
Published November 19, 2025 6:59 PM PHT
Updated November 20, 2025 10:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP: P11B in illegal drugs seized, 16k drug suspects nabbed in Q1 2026
Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Miss Universe Philippines National Costume


Isang selebrasyon ng mga fiesta ng bansa ang national costume na ginawa ng designer na si Mak Tumang para kay Miss Universe Philippines Ahtisa Manalo.

Pasabog ang dala ni Miss Universe Philippines Ahtisa Manalo sa Miss Universe National Costume competition dahil sa kanyang costume na kumuha ng inspirasyon mula sa mga fiesta ng bansa.

Suot ni Ahtisa ang costume na pinangalanang Festejada sa Miss Universe National competiton na naganap ngayon sa Bangkok, Thailand. Ayon sa post ng Miss Universe Philippines sa kanilang Instagram account, ang skirt ng costume as gawa mula sa “65,000 individual petals” at inspirado ng “giant lanterns of Pampanga, the colors of Pahiyas, and the blooms of Panagbenga.”

Gawa ng designer na si Mak Tumang ang national costume, isang bagay na ibinahagi niya sa kanyang send-off noong nakaraang buwan.

"It's a national costume that hasn't been seen in a while in the Miss Universe stage," pagbahagi niya sa GMA News Online. "I'm really, really excited 'cause it's a good representation of the Philippine culture and also my own personality. So, I'm very excited for everyone to see that."

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)

RELATED GALLERY: Here are the looks Ahtisa Manalo has served at Miss Universe so far

Ang winner ng National Costume competition ngayong taon ay pipiliin sa pamamagitan ng online votes. Sa huling pagbilang ng Miss Universe, si Ahtisa ay second sa botohan sa National Costume category.

Patuloy na ikinakampanya ng Miss Universe Philippines organization si Ahtisa sa pamamagitan ng pag-udyok sa mga asking Filipino fans and pageant aficionados na iboto siya sa National Costume category at siguraduhin ang makasaysayan na three-peat sa kategoryang ito para sa bansa.

Maaaring iboto ng mga fans at pageant aficionados si Ahtisa sa Miss Universe app sa pamamagitan ng pagnood ng ads or pagbili ng boto sa app mismo.

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)

Ikinakampanya din ng Miss Universe Philippines organization si Ahtisa sa iba't ibang kategoriya, tulad ng Most Beautiful People.

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)

Nanawagan din ang organization sa mga fans na iboto si Ahtisa sa Beyond the Crown category.

Sa kanyang Beyond the Crown video ay ibinahagi ni Ahtisa ang kanyang partner organization na Alon Akademie. Ang mga programang Alon Hub at Alon on Wheels ng organization ay tungkol sa youth empowerment at edukasyon.

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)

Nanawagan din ang Miss Universe Philippines organization na iboto si Ahtisa sa Miss Congeniality category.

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)

RELATED GALLERY: Miss Universe Philippines Ahtisa Manalo and her stylish looks

Ang 2025 Miss Universe coronation night ay magaganap sa November 21 sa Bangkok, Thailand.