
Showdown ng beauty, brains, at bragging rights ang aabangan sa tapatan ng walong beauty queens mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas sa Family Feud!
Ngayong Lunes, August 17, maglalaro ang The Rampa Queens na pinangungunahan ni Bea Millan-Windorski, Miss Universe Philippines 2026 mula La Union. Bukod sa pagiging beauty queen, isa ring Filipino-American activist at aspiring diplomat si Bea. Nakatuon ang kanyang advocacy sa climate refugees at migrant workers.
Kasama rin sa The Rampa Queens si Apriel Smith ng Cebu City, Miss Charm Philippines 2026. Dating OFW si Apriel kaya mayroon siyang kaalaman sa mga sakripisyong ginagawa ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Aktibo rin siyang nagsusulong ng sports development sa kanyang komunidad.
Hindi rin pahuhuli si Jenrose Javier ng Sultan Kudarat, Miss Eco International Philippines 2027. Pinagsasabay niya ang pag-aaral ng kursong Tourism at modeling, habang patuloy ding ipinaglalaban ang environmental causes na bahagi ng kanyang advocacy bilang beauty queen.
Kumukumpleto sa The Rampa Queens si Trexy Paris Roxas ng Iligan City, Miss Eco Teen Philippines 2026. Nursing student si Trexy at dedicated animal welfare advocate.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Sa kabilang team naman ang The Kabogera Queens, na pinamumunuan ni Allyson Hetland ng Pampanga, Miss Supranational Philippines 2027. Bukod sa kanyang korona, isa ring registered nurse si Allyson.
Kasama niya si Nicole Borromeo ng Cebu Province, Miss Worldwide Philippines 2026. Isa nang beterana sa pageant scene, at may impressive résumé si Nicole dahil may experience din siya sa singing at modeling.
Makakasama rin si Marian Arellano ng Tarlac Province, Miss Tourism World Philippines 2026. Bukod sa pagiging beauty queen, magna cum laude graduate si Marian at isa ring mahusay na volleyball player.
Hindi magpapahuli si Catherine Wardle ng Samar Island, Miss Teen Universe Philippines 2026. Isa siyang young athlete, student leader, at active community volunteer.
Abangan ang tapatan ng dalawang teams na parehong may ganda, talino, advocacy, at impressive achievements sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 17, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.