
Mahigit dalawang buwan bago ang 2026 Miss Universe Philippines coronation night, binalot ito ng kontrobersiya dahil isang kandidata ang tinanggal mula sa pageant.
Sa statement na inilabas ng Miss Universe Philippines Organization sa social media, ipinaliwanag na ang desisyong ito ay dahil sa diumano'y pagpapatuloy ng naturang kandidata sa paggawa ng “certain behaviors.” Ito ay sa kabila ng verbal and written guidance na binigay ng organisasyon.
Nakasaad din dito na patuloy nilang sinisiguradong “uplifting, respectful, and empowering to women” ang prestihiyosong beauty pageant sa bansa. Pinananatili rin daw nilang “constructive and meaningful” ang pageant experience para sa lahat.
Hindi pinangalanan ng organisasyon ang kandidata, pero puno na ng spekulasyon ang comment section ng kanilang Facebook at Instagram posts.
Related gallery: Check out the controversial events in this year's pageant scene
Dahil dito, hindi na magiging parte ang naturang kandidata ng Miss Universe Philippines coronation night na gaganapin sa May 1, 2026 sa SM Mall of Asia Arena. Sa Instagram post, sinabi ng organisasyon na hintayin ng mga pageant fans ang mga detalye kung paano makakakuha ng ticket.
Kasalukuyang ginaganap ang iba't ibang Miss Universe Philippines activities bago ang coronation night. Kamakailan lamang ay naging parte ang mga delegada ng Miss Universe Philippines swimsuit show, na ginanap sa Aqua Boracay Bulabog Beach.
Nakita na rin ng mga manonood ang mga evening gowns ng mga kandidata. Ilan sa mga designer na gumawa ng mga gown ngayong taon ay sila Louis Pangilinan, Mark Bumgarner, at Ehrran Montoya.
Ang Kapuso artist na si Roxie Smith ay kasama sa mga kandidata sa Miss Universe Philippines pageant ngayong taon.
Related gallery: The 2026 Miss Universe PH queens are elegant in their evening gowns