GMA Logo Mister Eco International
Photo source: @misterecoint
Celebrity Life

Mister Eco International coronation night, bukas na

By Ron Lim
Published June 10, 2026 1:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Straight from the Expert: Trending Hobbies - Pickleball
Marcos pledges P50K aid for families of Mindanao earthquake fatalities
Filipina firefighter helps save child from Japan railway

Article Inside Page


Showbiz News

Mister Eco International


Si Kitt Cortez ang pambato ng bansa sa pageant, pagaktapos niyang manalo sa Mister Pilipinas Worldwide nitong nakaraang taon.

Isang bagong hari ang kokoronahan bukas sa coronation night ng kauna-unahang male edition ng Mister Eco International pageant.

Nag-announce ang Mister Eco International organization sa isang pinned post sa kanilang Instagram account na gaganapin bukas, June 11, ang kanilang coronation night sa Cordillera International Convention Hall ng Baguio Country Club. Mapapanood ang coronation night sa Empire.PH YouTube channel simula 7 p.m. Manila time.

A post shared by Mrecointernational (@misterecoint)

Ang representative ng bansa sa pageant ay si Kitt Cortez, na pinangalanang Mister Eco International Philippines pagakatapos manalo sa Mister Pilipinas Worldwide pageant nitong nakaraang taon. Ang iba pang winner noong taong iyon ay sina Kenneth Cabungcal, na fourth runner-up sa 2025 Mister Supranational pageant, at Kirk Bondad, ang kasalukuyang Mister International.

Related gallery: The Mister Pilipinas Worldwide winners are your new summer fitspiration

Unang sinabi ng Mister Eco International organization na gaganapin ang pageant dito sa bansa noong July ng nakaraang taon.

Kamakailan lamang ay ipinasa na ng Miss Eco International 2025 Alexie Brooks ang kaniyang korona kay Palmira Ruiz ng Mexico. Si Gabbi Carballo ang kumatawan sa bansa sa Miss Eco International 2026 at nagtapos bilang parte ng Top 21.

Related gallery: A closer look at Alexei Brooks's stunning Miss Eco international gowns