GMA Logo Tadhana Tunay na Misis Solis
Source: Tadhana
What's on TV

Mister, mahuhuli ng dalawang misis sa 'Tadhana: Tunay na Misis Solis'

By Bianca Geli
Published January 23, 2026 4:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

French-owned CMA CGM container ship passes Strait of Hormuz, data shows
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana Tunay na Misis Solis


Isang mister ang mahuhuli ng kanyang OFW na misis at ng isa pa pa niyang kinakasama sa 'Tadhana: Tunay na Misis Solis.'

Sa Tadhana: Tunay na Misis Solis, tampok ang kuwento ng isang OFW (Overseas Filipino Worker) sa South Korea, si Aida.

Nagsusumikap si Aida na magtrabaho sa ibang bansa habang nananatili sa Pilipinas ang kanyang asawang si Frank, isang negosyante. Dahil sa kanyang karamdaman, napilitan si Aida na umuwi ng bansa, bitbit ang pag-asang muling mabubuo ang kanilang pamilya.

Lingid sa kanyang kaalaman, hindi lang ang kanyang sakit ang matagal nang itinatago. May mas mabigat pang lihim si Frank: mayroon pala itong isa pang misis at anak.

Magiging mitsa ng katotohanan ang birthday party ng anak ni Frank, kung saan hindi lang ang bata ang masosorpresa, kundi pati si Aida at ang isa pang babae sa buhay ni Frank, si Lorna. Sa gitna ng rebelasyon, isang tanong ang nangingibabaw, sino nga ba kina Aida at Lorna ang tunay at legal na asawa ni Frank?

Alamin ang kasagutan sa Tadhana: Tunay na Misis Solis, kasama ang host na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs Facebook at YouTube livestream.