GMA Logo Felipe Marasigan in Mister Supranational
Photo source: @misterpilipinasworldwide
What's Hot

Mister Pilipinas Supranational Felipe Marasigan, pasok sa Supra Chat semi-finals

By Ron Lim
Published July 14, 2026 10:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mister Pilipinas Supranational Felipe Marasigan enters Supra Chat semi-finals
US says it has completed its latest wave of strikes on Iran
Cebu ug Negros, Nakighiusa sa Pagsaba-saba sa ilang mga Barko | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Felipe Marasigan in Mister Supranational


Nitong nakaraang linggo lamang ay nanawagan ng boto para kay Felipe Marasigan ang The Mister Pilipinas Worldwide organization.

Malaki ang naitulong ng bayanihan kay Mister Pilipinas Supranational Felipe Marasigan dahil pasok na siya sa semi-finals ng isa sa mga challenges ng pageant, salamat sa boto ng mga Filipino pageant fans.

Nag-upload ng isang graphic ang Mister Pilipinas Worldwide organization sa kanilang Instagram account na nagpapasalamat sa mga Filipino pageant fans at supporters sa pagtulong nila kay Felipe para manalo sa Supra Chat Group 6, at ngayon ay pasok na siya sa semi-finals ng challenge. Ang mananalo sa Supra Chat series ay makakakuha ng pwesto sa top 20 ng Mister Supranational 2026.

A post shared by Mister Pilipinas Worldwide (@misterpilipinasworldwide)

RELATED CONTENT: Here are your 2026 Mister Pilipinas Worldwide winners

Nitong nakaraang linggo lamang ay nanawagan sa kanilang Instagram account ang The Mister Pilipinas Worldwide organization sa mga pageant fans and followers na iboto si Felipe. Kasama sa kanilang Instagram post ay instructions kung paano iboto si Felipe sa Supra Chat series ng Mister Supranational.

A post shared by Mister Pilipinas Worldwide (@misterpilipinasworldwide)

Isa si Felipe Marasigan sa 11 winners na pinangalanan noong Mister Pilipinas Worldwide finals night na ginanap noong April 15 sa Bigger Pictures sa Mandaluyong City.

Ang iba pang mga nanalo ay sila Mister Pilipinas Manhunt Supermodel 2026 JP Gundayao, Mister Pilipinas International 2026 John Wayne Alba, Mister Pilipinas Global 2026 MJ Ordillano, Mister Pilipinas Eco International 2026 Godfrey Murillo, Mister Pilipinas Cosmopolitan 2026 John Bonifacio, Mister Pilipinas Worldwide 2026 Jason Lopez, at Mister Pilipinas 2026 Enzo Bonoan. Ang mga runner-up naman ay sila first runner-up Zach Russell, second runner-up Gian Guidicelli, at third runner-up Cas Villones.

Ilang challenges din ang hinarap ng mga lalaki noong pageant, tulad ng summer photoshoot kasama ang local fashion brand na Bench, isang swimsuit photoshoot, isang fashion photoshoot, isang sports fashion photoshoot, at ang Glen magazine cover boy photoshoot.

RELATED CONTENT: Mister Pilipinas Worldwide delegates charm as cover boys

Layunin ni Felipe Marasigan na makakuha ng mas mataas na ranking kumpara sa mga nakaraang Mister Supranational representatives na sina Kenneth Cabungal, Brandon Espiritu, at Johannes Rissler. Fourth runner-up si Kenneth noong 2025 pageant, habang si Brandon naman ay second runner-up noong 2024 pageant. Si Johannes Rissler ay umabot sa top 20 noong 2023 pageant.