
Kailangan na mag-ayos ng schedule ang mga fans ng male beauty pageants dahil nag-announce na ng date at venue para sa finals night ang Mister Pilipinas Worldwide pageant.
Inanunsyo ng Mister Pilipinas Worldwide organization sa kanilang Instagram account na mangyayari ang finals night ng pageant sa April 15, 2026, 6 p.m. sa Bigger Pictures sa Mandaluyong City. Ang presyo ng mga ticket ay nasa P1,000, at required ang mga manonood na magsuot ng itim.
Check out the headshots of this year's Mister Pilipinas Worldwide pageant
Ang announcement tungkol sa finals night ng Mister Pilipinas Worldwide ay nangyari pagkatapos ipahayag ng Mister Pilipinas Worldwide organization ang early frontrunners sa botohan para sa fashion and sports fashion photoshoots ng pageant.
Binubuo ang top five candidates nina Godfrey Nikolai Murillo representing Malolos, Bulacan, Jessie Guinto mula sa San Jose Del Monte, Bulacan, MJ Ordillano representing Parañaque, John Bonifacio representing Macabebe, Pampanga, at Felipe Marasigan representing Manila. Ipinaliwanag ng organization sa caption na ang ranking ay base sa combined score ng mga kandidato. Ang kandidato na may pinakamataas na score ay awtomatikong pasok sa top 10 ng pageant.
Ang fashion at sports fashion photoshoots ay ilan lamang sa mga photoshoots na nilahukan ng mga Mister Pilipinas Worldwide candidates. Noong nakaraang buwan ay in-upload ng Mister Pilipinas Worldwide organization ang headshot ng mga kandidato. Kasama rin ang swimsuit photos sa mga ini-release noong nakaraang buwan.
Kamakailan lamang ay in-irelease rin ng Mister Pilipinas Worldwide organization ang mga kuha mula sa Glen magazine cover boy photoshoot ng pageant.
RELATED GALLERY: Mister Pilipinas Worldwide delegates charm as cover boys
Nagtungo rin sa Negros Occidental ang 20 delegado ng Mister Pilipinas Worldwide pageant, specifically sa siyudad ng Talisay at munisipalidad ng Don Salvador Benedicto. Binisita nila ang The Ruins ng Talisay at nakibahagi sa isang tree planting activity sa Don Salvador Benedicto.
Ang 20 kandidato ay nais sumunod sa yapak ng ilan sa mga pinakamatagumpay na male beauty pageant contestants ng bansa, tulad nila Kirk Bondad na kasalukuyang Mister International at Mister Global 2024 Dom Corilla.