GMA Logo Misteryo Wawa Dam episode
What's Hot

Misteryo: Wawa Dam, pinamumugaran ng isang misteryosong babae?

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 11, 2020 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran threatens painful response if US resumes attacks, oil prices seesaw
PDL who died in prison sustained injuries, autopsy shows
Makiling | Ang Ganti ni Amira

Article Inside Page


Showbiz News

Misteryo Wawa Dam episode


Pinuntahan ni Ryan Eigenmann ang Wawa Dam sa Rodriguez, Rizal upang alamin kung totoo ang misteryosong babae na namumuhay dito

Binisita ni Ryan Eigenmann ang iba't ibang lugar sa Pilipinas kung saan mayroon di umanong namumuhay ng iba't ibang elemento bilang host ng 'Misteryo' na umere noong 2009 hanggang 2011.

Isa sa mga pinuntahan ni Ryan ang Wawa Dam sa Rodriguez, Rizal, kung saan may pinaniniwalaang naninirahan na misteryosong babae na nangunguha ng mga lumalangoy.

Ayon sa ilang sabi-sabi, isang enkantada ang nagmahal sa isang tao. Kalaunan, hindi siya nagustuhan nito kaya nagalit siya sa mga tao at sinumulan niyang kunin ang mga lumalangoy sa ilog ng Wawa Dam.

Ayon sa mga paniniwala ng mga tao, mga panganay na lalaki ang madalas na kinukuha ng Wawa Dam.

May makita kaya si Ryan nang sumisid siya sa ilalim ng tubig? Panganay na anak nina Michael de Mesa at Gina Alajar si Ryan.

Balikan ang pagbisita ni Ryan sa Wawa Dam sa Rodriguez, Rizal:

Isa ang Misteryo sa mga programang kasama sa YouTube Super Stream na mapapanood ninyo sa GMA Public Affairs channel.