What's Hot

Misteryoso ang mga umaaga kasama si 'Detective Conan'

By Marah Ruiz
Published December 5, 2018 5:39 PM PHT
Updated December 5, 2018 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
6 men to face alarm and scandal complaint after roadside scuffle
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang adventures ni Detective Conan, simula December 10, 8:00 am sa nangungunang GMA Astig Authority!

Hatid ng GMA Astig Authority ang isa sa most loved anime series sa buong mundo, ang Detective Conan!

Detective Conan
Detective Conan

Kahit high school pa lang, magaling nang lumutas ng iba't ibang kaso ang binatang si Shinichi Kudo.

Dahil sa kanyang 'di pangkaraniwang talento, makakabangga niya ang sindikatong tinatawag na Black Organization.

Gagamitin ng mga ito ang isang experimental na lason laban sa kanya. Pero imbis na mamatay, magta-transform siya sa isang bata!

Itatago ni Shinichi ang sarili bilang ang batang si Conan Edogawa. Itutuloy din niya ang kanyang trabaho bilang isang detective habang naghahanap ng lunas na magbabalik sa kanyang dating anyo.

Panoorin ang adventures ni Detective Conan, simula December 10, 8:00 am sa nangungunang GMA Astig Authority!