January 2016 nang lumipad patungong America ang aktres na si Mitch Madrigal upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng culinary.
IN PHOTOS: Where is Michelle Madrigal?
Nauna nang kumuha ng kursong Professional Culinary Arts at Professional Pastry Arts sa Center of Asian Culinary Studies (CACS) si Michelle.
Pero ngayon, excited nang bumalik ng bansa ang aktres. 'Yan ang announcement niya kamakailan sa kanyang Instagram account. Ibig bang sabihin ay babalik na rin sa pag-arte ang dalaga?
Sa Kapuso network, huling napanood si Michelle sa fantasy drama series na Adarna.