GMA Logo mitch valdez and fe de los reyes
Source: IMDB, fedelosreyes/IG
What's on TV

Mitch Valdez, Fe de los Reyes, may magkaibang pananaw sa pakikipagrelasyon

By Kristian Eric Javier
Published July 25, 2025 1:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Timely Stephen Curry scoring helps Warriors defeat Mavericks
Christmas not the same for all, calamity survivors show

Article Inside Page


Showbiz News

mitch valdez and fe de los reyes


Alamin ang opinyon nina Mitch Valdes at Fe de los Reyes tungkol sa kahalagahan ng lalaki sa kanilang kasiyahan dito:

Ibinahagi ng comediennes at singers na sina Mitch Valdez at Fe de los Reyes ang kanilang pananaw sa pakikipagrelasyon at kung gaano kahalaga ang lalaki sa konsepto nila ng kaligayahan.

Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 25, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung gaano kahalaga ang lalaki sa konsepto nila ng kaligayahan sa punto ng buhay nila ngayon.

Mahalaga umano ito para kay Fe, lalo na ang asawa niyang si Mario Mendoza. Aniya, sobrang supportive nito sa mga ginagawa niya ngayon, kabilang ang upcomong concert nila ni Mitch.

“He's so supportive, sobra ang suporta ng asawa ko dito sa gusto kong gawin ngayong senior na ako,” sabi ni Fe.

Aminado naman si Mitch na kung ano ang tingin niya noon sa mga lalaki ay iyon pa rin ang tingin niya sa mga ito ngayon.

“I discovered na mas gusto kong mag-isa--mas restful, mas peaceful. Kasi introvert nga ako, Boy, nahihirapan ako na after a hard days work, pag-uwi ko, meron akong aasikasuhin, aalalayan, etcetera.”

Pero paglilinaw ng beteranang actress, hindi sa ayaw niya sa mga lalaki dahil ang totoo, ilan sa mga matatalik niyang kaibigan ay lalaki, kabilang na ang kapwa aktor na si Joel Torre.

BALIKAN ANG INSPIRING CELEBRITY COUPLES NA LONG-LASTING ANG SAMAHAN SA GALLERY NA ITO:

Samantala, ibinahagi rin ni Mitch na nakakarinig na rin siya ng mga tanong kung bakit wala siyang asawa o kung gay ba siya. May mga nagsasabi na rin na panahon na para magkaroon na siya ng anak, para may mag-aalaga sa kaniya sa pagtanda.

Ngunit hindi sang-ayon ang singer-actress dito, “I'm not gonna have children just to take care of me when I'm old! Kawawa naman 'yung mga anak ninyo. Mga kaibigan, 'wag n'yo naman i-expect na 'yung mga anak ninyo e ibu-burden n'yo pa ang kanilang buhay 'pag old na kayo.”

Paalala ng aktres sa mga magulang, “Magtrabaho po kayo so you have your own means, para hindi kayo nakasandal sa mga anak n'yo.”

Panoorin ang panayam kina Mitch at Fe dito: