
Sinigurado ni MJ Lastimosa na kakaibang experience ang hatid ng kanilang pelikulang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital sa mga manonood ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.
Sa ginanap na media conference ng pelikula, inilarawan ng beauty queen-turned-actress kung paano nila ginawa ang meta horror na ito.
“Sobrang nakakatuwa 'tong film na 'to kas inga hindi siya 'directed by,' di ba? It's a meta horror, so parang gina-guide lang kami, 'Ito sana ang mga gusto naming gawin ninyo.'
“Pagdating namin doon, kami na lang at camera yung baon ko. Talagang walang nagsasabi sa akin [kung ano ang gagawin].
“Ito, wala ng take two or take three. Pagpasok namin doon, kung ano ako, yun na talaga yun. Kung ano yung reaksiyon ko, yun talaga yun. It's a film pero reality siya at the same time, yun ang kaabang-abang,” aniya.
(From left) Reality MM Studios producer Dondon Monteverde with Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital actors Enrique Gil, Rob Gomez, Jane de Leon, Alexa Miro, MJ Lastimosa, Raf Pineda, and Ryan "Zarckaroo" Azurin.
At dahil isang tunay na haunted hospital ang kanilang pinasok, naging maingat daw si MJ at kanyang co-stars sa kanilang mga gagawin sa loob nito.
Pag-alala ni MJ, “First time kong makapasok sa haunted hospital talaga. Ni-research ko siya bago kami pumunta roon, and legit siya. Hindi lang siya yung pinapaniwalaan, popular pala siya sa Asia na one of the most haunted [places]. So, hindi ko alam kung ano ang ie-expect ko, may kasama pa kaming tarot reader, 'Huwag mon ang ikuwento kung may nararamdaman ka.'”
Bahagi ng pag-iingat nila ang pagsunod sa mga utos ng locals bago pumasok sa naturang hospital.
Sabi ni MJ, “I was very respectful kasi sabi naman nila, if you recognize the presence… Maging respectful ka lang, i-recognize mo lang na both of you can co-exist.
“Yun, I don't play with, I don't make jokes, at kung anuman yung mga tinuro sa amin ng mga Taiwanese. Like, i-practice namin yung like pagpag at yung mga yellow paper na dapat laging baon namin, talagang pina-practice ko.”
Sa huli, pabirong sinabi ng aktres, “Thankfully and sana wala akong binaon pabalik ng Pilipinas.”
Kasama ni MJ sa Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital sina Enrique Gil, Alexa Miro, Jane de Leon, Rob Gomez, Raf Pineda, at ang vlogger na si Ryan "Zarckaroo" Azurin. Ito ay idinirehe ni Kerwin Go at iprinodyus ng Reality MM Studios.
Samantala, tingnan ang mga bonggang float ng MMFF movies sa nakaraang 'Parade of Stars':