
Kanya-kanya na ng diskarte sa pag-promote ang cast at team ng mga pelikulang kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival.
Nito lamang Sabado, December 16, 2023, idinaos na ang pinakahihintay ng viewers na Parade of Stars na kaugnay ng MMFF 2023.
Spotted ang ilang big stars sa decorative floats na pumarada para sa naturang film event.
Kabilang sa mga ito ay ang star-studded cast ng GMA Network's film entry na Firefly.
Bukod sa Firefly, nasa movie lineup din ngayong 2023 ang mga pelikulang A Family of 2 (A Mother and Son Story), Kampon, Penduko, Rewind, at Becky and Badette.
Kalahok din sa film festival ang pelikulang Broken Heart's Trip, GomBurZa, Mallari, at When I Met You in Tokyo.
Sa isang report, inilahad na ang parada ay nagmula sa Navotas Centennial Park, via C-4 Road, Samson Road, at McArthur Highway hanggang Valenzuela People's Park, nito lamang Sabado ng hapon.
Sa pinakahuling destinasyon naman na Valenzuela People's Park ginanap ang main event.
Samantala, magkakaiba man ng kinabibilangang mga grupo, damang-dama pa rin ang pagkakaisa ng mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2023.