GMA Logo moi bien
What's Hot

Moi Bien, bantay-sarado ni Piolo Pascual?

By Nherz Almo
Published February 1, 2023 1:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

moi bien


Nananatiling malapit daw si Moi Bien sa kanyang dating among si Piolo Pascual: “Lagi po siyang nandiyan kahit wala na ako sa kanya.”

Natutuwa ang comedienne na si Moi Bien dahil hanggang ngayon ay todo suporta pa rin sa kanya ang dati niyang amo, ang aktor na si Piolo Pascual.

Matatandaan na bago pumasok sa showbiz, nakilala si Moi bilang personal assistant ng sikat na aktor.

“Sobrang proud po sa akin,” sabi ng comedy actress nang kumustahin ang relasyon niya ngayon kay Piolo sa ginanap na premiere ng kinabibilangan niyang pelikula, ang Spellbound, noong Lunes, January 30.

Pabirong dagdag pa niya, “Nagmo-monitor po siya sa akin ng IG Story ko kaya bawal ako mag-post ng hindi kaaya-aya. At saka bawal ako mag-post ng may jowa kaya itatago ko na lang.”

Ayon kay Moi, patuloy niyang naaasahan ang aktor lalo na sa mga personal na pangangailangan.

“Lagi po siyang nandiyan kahit wala na ako sa kanya. Lagi po siyang nandiyan sa akin, lalo na kapag bayaran na ng tuition ng anak ko,” sabi ng dating Survivor Philippines castaway.

Bukod dito, kapag may pagkakataon ay napapasama rin si Moi sa pelikulang ipinoprodyus ng kumpanya ni Piolo, kasama ang direktor na si Joyce Bernal, ang Spring Films. Sa katunayan, “boss” niya si Piolo sa pelikulang Spellbound dahil ito ay co-produced ng Spring Films at Viva Films.

A post shared by Hatima Marcampo (@moibienne)

Samantala, nakaka-relate daw si Moi sa karakter niya sa pelikula bilang isa sa mga kaibigan ng bidang ni Bela Padilla, na lagi niyang pinasasaya at binibigyan ng love advice.

Ani Moi, “Gusto ko lang po laging masaya at saka lagi po akong taga-advise sa mga kaibigan ko na heartbroken, walang pera. Dasal lang kayo, huwag kayong humingi sa akin.

“At saka, di ba, masaya naman yung may kaibigan, yung ikaw naman ang dadamay sa kanila kapag may kailangan at sakaling nasasaktan.”

Sa huli, payo pa ni Moi, “Di na natin kailangan baguhin kung saan tayo masaya, enjoy lang natin ang life.”

SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG PANG LOYAL PERSONAL ASSISTANTS NG CELEBRITIES DITO: