GMA Logo Mark Prin, Mew Nittha Jirayungyurn
What's on TV

Moi, miss na miss ang asawang si Tien?

By EJ Chua
Published January 18, 2024 3:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DMW to OFWs: Don’t use visitor visas to work in other countries
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Prin, Mew Nittha Jirayungyurn


Hindi na kayang itago ni Moi ang feelings niya para kay Tien sa 'My Husband in Law.'

Sa previous episode ng My Husband in Law, labis na nataranta si Tien (Mark Prin) sa ginawa ni Moi (Mew Nittha Jirayungyurn).

Isang gabi, labis na nagulat si Tien nang bigla na lamang magpunta si Moi sa kwarto kung saan siya pansamantalang nanunuluyan para sa isang project.

Noong una, nagtaka si Tien kung bakit mayroong isang babae na sumisigaw sa labas ng kanyang kuwarto.

Nang makita niyang si Moi pala ang maingay na babae, agad niya itong kinausap upang patahimikin.

Halos mag-iskandalo si Moi at hindi na napigilan ng una na aminin sa kanyang asawa na si Tien na sobrang nami-miss niya ang huli.

Dahil lasing na lasing si Moi, nahirapan si Tien na patahimikin ang kanyang asawa.

Sobrang nakulitan si Tien kay Moi at wala na siyang ibang maisip na paraan para patahimikin at pakalmahin ang kanyang asawa.

Habang nangungulit, hiniling pa ni Moi sa kanyang asawa na sabihin sa kanya nito kung nami-miss din ba siya ng huli.

Bago pa ito, ilang beses na sinabi ni Moi sa harap ng kanyang asawa kung gaano niya ito nami-miss.

Matatandaan na nasa isang malayong lugar sina Tien at Moi para sa tinatrabaho nilang isang napakalaking proyekto.

Patuloy na subaybayan ang My Husband in Law, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes, 11:25 p.m. sa GTV.