What's Hot

Moi voted out of Survivor Philippines

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 12, 2020 1:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Painit ng painit ang mga nangyayari sa isla at sa hindi inaasahang pagkakataon, natanggal noong Lunes ang ‘Yayang Palaban’ na si Moi Bien.
Painit ng painit ang mga nangyayari sa isla at sa hindi inaasahang pagkakataon, natanggal noong Lunes ang ‘Yayang Palaban’ na si Moi Bien. Text by Loretta G. Ramirez, photo courtesy of GMA Network stars Sa nakaraang tribal council noong Lunes, isang madamdaming episode ang nasaksihan ng mga viewers dahil, inilabas na ng mga castaways ang kanilang tunay na damdamin sa mga nangyari simula ng matanggal si Nanay Elma Muros noong Thursday. Nagkainitan sila Akihiro Sato at Ervic Vijandre dahil sa nangyari noong huling immunity challenge at halatang masama ang loob ni Akihiro. Napikon ito sa naging desisyon ni Ervic na ibigay ang immunity necklace kay Aubrey Miles. Dahil sa tension sa grupo, tinanong ni Richard Gutierrez, ang host ng Survivor Philippines Celebrity Showdown, ang Final Five kung sa tingin ba ng mga castaways, lumabas ang sungay or pakpak nila during the course of the game. “For me I am really tired, I just want to win the challenge until the end. It is really tiring to play a dirty game. I really can’t take it,” says Akihiro who was obviously still pissed at Ervic’s betrayal. “Hindi ko alam eh, siguro nandun na ‘yung nagisip ako para sa sarili ko so siguro lumabas na nga yung sungay ko, dahil naging selfish ako para mailigtas ko yung sarili ko,” ang matapang na pag-amin naman ni Ervic. “Sa totoong buhay may wings talaga ako. Pero dito, ayokong magpaka-plastic eh. Hindi naman ako masamang tao sa totoong buhay, pero dito siguro nagkasungay ako. Pero alam mo kung nandito lang sila sa lugar ko, pare-pareho lang eh. Kung nandito si Jon, I know he’s going to play it na mas masama sa laro namin. I don’t know,” ang pahayag naman ni Aubrey. Sunod namang tinanong ni Richard ang “Why do you deserve to be in the final four?” “Kung sakali man na makapunta ako sa apat na yun, alam ko sa sarili ko na ginawa ko lahat para marating ko kung saan ako makakarating. Dahil buo ang loob ko bago ako sumali dito, alam ko kung ano ang gusto ko” ang sagot ni Ervic kay Richard. Si Akihiro naman maikli pero malaman ang naging sagot kay Richard. “For me, just because I worked hard.” Si Solenn Heussaf naman tila nag-explain kung bakit siya nasa Finale Five pa. “For me I don’t want be the friendly one here or anything, but I think everyone deserves to be here. Some probably had more luck than others coz I am not the strongest one here. I worked, I’d do what I have to do. If someone asks me to do something, I will. But I am not really in your face, I’m just kind of there on the side.” Si Aubrey naman may iniwang palaisipan sa kanyang sagot. “Para sa akin everyone here deserves to win. Para sa akin ginawa ko lahat, lahat na-experience ko dito na di ko na-experience sa buong buhay ko. Pero para sa akin I need this, that’s why I am here. Marami akong gustong sabihin na hindi ko alam kung pwede ko na sabihin ngayon. Pero kung nasa top four ako, then I am ready to say it.” As for Moi, “siguro kasi ginawa ko yung best ko para makapunta dito, at saka ‘yung strategy ko na wag masyadong magaling, wag masyaddng magpakitang gilas para hindi ka i-vote out.” But tila hindi na gumana ang strategy ni Moi, dahil siya na ang natanggal sa lima at naging kahuli-hulihang jury member ng Survivor Philippines Celebrity Showdown.. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na tribal council? Sino kaya ang matitira sa apat? Magkaayos pa kaya si Akihiro at Ervic? Ano kaya ang gusting sabihin ni Aubrey? Painit na ng painit ang mga last few episodes ng Survivor Philippines kaya huwag palampasin ito sa GMA Telebabad. Pero kung gusto ninyong makausap ng personal ang Final Four, mag log-on lang sa www.igma.tv/livechat ngayong Miyerkules, November 24, from 2 pm to 4 pm (Philippine time), dahil live na live nyong makaka-chat ang Final Four. Who knows, Moi might even join this exclusive event! Kaya prepare your questions in advance at makigulo sa iGMA Live Chat with the Final Four ng Survivor Philippines. Pag-usapan ang Survivor Philippines sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!