
Tuluy-tuloy na kasiyahan ang nararanasan ng mag-inang Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn (Jillian Ward) sa hit GMA drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kaabang-abang ang susunod pang mangyayari sa kanilang mga buhay, lalo na sa love life ni Lyneth.
Sa previous episodes ng serye, napanood na kahit na kontra si Zoey (Kazel Kinouchi), nagkaroon pa rin ng pagkakataon na mag-bonding sina Doc RJ at Analyn.
Ngayong Huwebes, October 19, mapapanood sa serye ang engagement party nina Lyneth at Doc Carlos (Allen Dizon).
Matutunghayan ang sweet scenes nina Lyneth at Doc Carlos na tiyak na magdadala ng kilig sa viewers.
Darating din sa engagement party si Doc RJ upang makisaya sa couple.
Samantala, labis na ikakagulat ng lahat ang pagdating ni Moira sa party.
Ano na naman kaya ang kanyang plano?
Magtagumpay kaya siya sa kanyang mga gagawin sa event?
Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya sa video sa ibaba:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: