
Iba't-ibang magagandang tinig ang ating maririnig sa fantasy romance series ng GMA Public Affairs na The Lost Recipe.
Ang The Lost Recipe na magsisimula na ngayong January 18 ay ang programang pagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda. Sila ay gaganap bilang sina Chef Harvey (Kelvin) at Chef Apple (Mikee).
Ang seryeng ito ay magkakaroon ng iba't ibang theme songs na aawitin ng cast ng programa at mga singers mula sa mga singing competitions ng GMA.
Photo source: the Lost Recipe
Sa full trailer na pinuri ng mga sikat na personalidad at mga netizens ay maririnig ang kanta ng Mojofly na "Tumatakbo."
Nag-record naman ang ka-love triangle nina Mikee at Kelvin na si Paul Salas ng kanyang cover ng Tumatakbo. Siya rin ang boses sa likod ng awiting "Tama Ba o Tama Na" na gawa ng GMA Post Music Production.
Si Topper Fabregas na mapapanood bilang si Alfredo Legazpi sa The Lost Recipe at ang Kapuso OST Princess na si Hannah Precillas ay ang magiging boses sa likod ng kantang "No Matter What It Takes."
Si Jennifer Maravilla na finalist ng The Clash ay magbibigay tinig sa kantang "Abutin." Ang mga kantang "No Matter What It Takes" at "Abutin" ay gawa rin ng GMA Post Music Production.
Bukod sa mga kantang ito, may iba pang mga kasunod na sorpresang awitin ang The Lost Recipe.
Kakanta rin ang ilan sa cast nito tulad nina Mikee at Kelvin, pati na rin ang StarStruck season 7 graduate at The Lost Recipe star nilang si Crystal Paras. Abangan rin ang kanta ng The Clash winners na sina Jessica Villarubin at Jeremiah Tiangco.
Abangan ang The Lost Recipe ngayong January 18, 8:00 p.m. sa GMA News TV.
Silipin ang mga naganap sa first lock-in taping ng The Lost Recipe: