GMA Logo mommy dearest
Source: Mommy Dearest
What's on TV

Mommy Dearest: Alam na nina Kutsy at Wiro ang totoong lagay ni Ligaya!

By Kristian Eric Javier
Published July 15, 2025 1:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

mommy dearest


Maliligtas na kaya sa wakas si Ligaya mula sa mga kamay ni Jade?

Matapos makulong ng mahabang panahon, maliligtas na kaya si Ligaya (Amy Austria) ng mga kaibigan niyang sina Wiro (Mel Martinez) at Kutsy (Viveika Ravanes) sa Mommy Dearest?

Matatandaan na matapos malaman ni Ligaya ang totoong katauhan ni Jade (Camille Prats) ay ikinulong siya nito sa kaniyang bahay. Ipinaalam din ng kaniyang anak na bumalik siya sa Cebu, ngunit wala umano kina Wiro, Kutsy, o Mookie (Shayne Sava) ay may contact sa kaniya.

Nakatakas man siya dati dahil sa tulong ni Ador (Lito Pimentel), nahuli naman siyang muli at itinago sa parehong pinagtaguan sa kaniya ni Jade. Ngunit hindi sumuko si Ador at sinubukan pa rin iligtas si Ligaya mula sa kanilang anak.

MULING KILALANIN ANG MGA BIDA NG MOMMY DEAREST SA GALLERY NA ITO:

Ngunit dahil minsan na siyang nahuli ni Caloy (Bryan Benedict) at dahil nagsama na rin si Ador ng pulis sa bahay ni Jade, napili nilang ilipat na lang si Ligaya.

Sa episode nitong Lunes, July 14, nagising si Ligaya sa isa sa mga warehouses ng Artemis Pharmacy, ang kumpanyang pinapatakbo ni Olive. Dito, narinig niya kay Caloy kung aling warehouse siya dinala, kabilang na nag address.

Nang makakuha ng pagkakataon, tinawagan ni Ligaya si Kutsy at sinabi dito kung nasaan siya. Naputol lang ang pag-uusap nila noong mawalan ng baterya ang cellphone na gamit ng kaibigan.

Nang may tumawag sa kaniya uli, sinabi niyang nakatakas siya mula kay Caloy at humingi ng tulong. Ngunit ang nasa kabilang linya, si Jade, na galit sa muling pagtakas ni Ligaya. Nang muli naman siyang natawagan nina Kutsy ay nagising na si Caloy at muli nang nakuha ang cellphone.

Ngayong alam na nina Wiro at Kutsy ang totoong lagay ni Ligaya at kung nasaan siya, maligtas kaya nila ito bago pa mahuli ang lahat?

Subaybayan sa huling apat na araw ng Mommy Dearest Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.