GMA Logo mommy dearest
What's Hot

Mommy Dearest: Ang huling laban ni Jade

By Kristian Eric Javier
Published July 14, 2025 1:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sibol Men sweep group stage to punch 2025 SEA Games MLBB semis ticket
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

mommy dearest


Patuloy lang laban ni Jade para makuha ang gusto ng kaniyang puso sa 'Mommy Dearest'

Hanggang sa huli, patuloy pa rin ang laban ni Jade (Camille Prats) sa Mommy Dearest!

Hindi pa rin sumusuko sa laban niya si Jade para makuha sina Danilo (Dion Ignacio) at Mookie (Shayne Sava) mula kay Emma (Katrina Halili).

Kamakailan lang ay nagkabalikan na sina Emma at Danilo, bagay na nakasakit ng husto kina Jade at Logan (Rocco Nacino). Kaya naman nagsabwatan sila para makuha ang taong minamahal nila. Sa Katunayan, nagbigay pa ng hallucinogen si Jade kay Logan para kay Emma para tuluyang masaktan sina Danilo at Mookie.

Si Jade, nagkunwaring sasaktan ang sarili para maawa sa kaniya si Danilo. Nagtagumpay siya at ngayon ay pakakasalan na siyang muli nito.

BALIKAN ANG MGA BIDA NG MOMMY DEAREST SA GALLERY NA ITO:

Samantala, ilang mga tao na rin ang nakakapansin ng pag-iba ng ugali ni Jade, kabilang na si Mookie. Aniya, naaalala niya ang kaniyang Mommy Olive (Camille Prats) kay Jade tuwing nagagalit ito, bagay na sinang-ayunan nina Wiro (Mel Martinez) at Kutsy (Viveika Ravanes).

Ngunit ang nakakaalam ng kaniyang tunay na pagkakakilanlan, si Ligaya (Amy Austria), hanggang ngayon ay nakakulong pa rin para hindi isiwalat ang totoong pagkatao ni Jade.

Sa huling linggo ng Mommy Dearest ay ipagpapatuloy ni Jade ang kaniyang laban para makuha ang kaniyang gusto.

Subay-bayan ang kapanapanabik na huling linggo ng Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA at Kapuso stream.