GMA Logo mommy dearest
Source: Mommy Dearest
What's on TV

Mommy Dearest: Ang kasalan of a lifetime, matutuloy kaya?

By Kristian Eric Javier
Published July 16, 2025 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

mommy dearest


Ikakasal na sina Jade at Danilo! Mapigilan kaya ito ni Emma?

Matapos ang ilang aberya, matutuloy na sa wakas ang kasal nina Jade (Camille Prats) at Danilo (Dion Ignacio) sa Mommy Dearest!


Matatandaan na noong mabaliw si Emma (Katrina Halili) dahil sa kagagawan ni Jade at dinala sa mental institution, pinlano niyang agawin ang pamilya ng kaniyang kapatid; ang asawa nitong si Danilo at ang anak niyang si Mookie (Shayne Sava).

Nagtagumpay naman si Jade at nakuha niya ang puso nina Danilo at Mookie. Sa katunayan, inalok pa niya ng kasal si Danilo na tinanggap naman nito, para maging buo silang pamilya.

KILALANIN ANG MGA BIDA NG MOMMY DEAREST SA GALLERY NA ITO:

Ngunit sa pagtakas ni Emma sa mental institution at sa pagtulong sa kaniya ni Logan (Rocco Nacino), nagbalik siya para bawiin ang kaniyang pamilya. Hindi naging madali para kay Emma na makausap at ipaintindi kina Danilo at Mookie ang kaniyang pinagdaanan. Ngunit sa huli, napatunayan pa rin niya kung gaano niya kamahal ang kaniyang mag-ama.

Dahil nagkaayos nang muli sina Emma at Danilo, napili nito na hiwalayan na si Jade at hindi na ituloy ang kasal. Ipinahiwatig rin niya kung gaano pa niya kamahal si Emma kaya siya ang gusto niyang makasama.

Ngunit hindi basta sumuko si Jade na nakipagtulungan kay Logan para muling masira si Emma sa kaniyang pamilya. Matapos makita ni Danilo at Mookie sina Emma at Logan na magkahalikan, lubos siyang nasaktan kaya naman itutuloy na niya ang naudlot na kasal nila ni Jade.

Naaayon na ang lahat sa sa plano ni Jade ngunit hanggang dito lang ba ang laban ni Emma para sa kaniyang pamilya? Matuloy pa kaya ang kasal ni Jade kay Danilo?

Subaybayan sa huling tatlong na araw ng Mommy Dearest Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.