GMA Logo Camille Prats as Jade and Rocco Nacino as Logan in Mommy Dearest
Source: Mommy Dearest
What's on TV

Mommy Dearest: Ang sabwatan nina Jade at Logan

By Kristian Eric Javier
Published July 7, 2025 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats as Jade and Rocco Nacino as Logan in Mommy Dearest


Magtutulungan na sina Jade at Logan para mabawi ang mga taong minamahal nila sa 'Mommy Dearest.'

Mukhang magsasabwatan na sina Jade (Camille Prats) at Logan (Rocco Nacino) sa Mommy Dearest para makuha nila ang puso ng mga taong mahal nila!

Sa mga nakaraang episode ng GMA Afternoon Prime series, matatandaang nagkaroon ng pagkakataon sina Emma (Katrina Halili) at Danilo (Dion Ignacio) na makapag-usap nang sarilinan. Dito, naibahagi ni Emma ang totoong nangyari sa kanya matapos siyang ipadala ni Jade sa isang mental institution.

Inilabas din ni Emma ang sama ng kanyang loob kay Danilo at Mookie na matapos siyang gumaling at makabalik ay nalaman niyang ikakasal na ang kanyang asawa kay Jade, at na kinamumuhian na siya ng kanyang anak.

Dahil dito ay humingi ng tawad si Danilo kay Emma at ipinangakong magiging mas mabuti na siyang asawa dito.

Matapos silang maligtas, nagdedisyon na si Danilo na huwag nang ituloy ang nakaplanong kasal nila ni Jade at inaming mahal pa niya ang dating asawa. Maging si Emma, sinabi rin kay Logan na si Danilo pa rin ang mahal niya.

Sa episode nitong Biyernes, June 4, nagdesisyon sina Emma at Danilo na magkitang muli para ipagtapat ang kanilang totoong nararamdaman, na tinapos nila sa isang halik, bagay na nakita nina Jade at Logan.

Dahil lubos na nasaktan, magpaplano sina Jade at Logan na magkakuntsaba para muling paghiwalayin sina Emma at Danilo para makatuluyan nila ang mga ito.

Magtagumpay kaya ang kanilang mga plano?

Abangan sa Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.

MULING KILALANIN ANG MGA BIDA NG 'MOMMY DEAREST' SA GALLERY NA ITO: