GMA Logo Katrina Halili as Emma ng Mommy Dearest
Source: Mommy Dearest
What's on TV

Mommy Dearest: Emma, malalagay sa panganib!

By Kristian Eric Javier
Published July 14, 2025 5:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili as Emma ng Mommy Dearest


Panibagong pagsubok at panganib na naman ang kahaharapin ni Emma sa 'Mommy Dearest.'

Muli na namang malalagay sa panganib ang buhay ni Emma (Katrina Halili) sa huling linggo ng Mommy Dearest!

Sa huling linggo ng naturang GMA Afternoon Prime series, muling malalagay sa panganib ang buhay ni Emma dahil sa pagtutulungan ni Logan (Rocco Nacino), ang taong pinagkakatiwalaan niya, at ni Jade (Camille Prats) ang kapatid niyang tinraydor siya.

Matatandaang muling nasira ni Jade si Emma sa kanyang pamilya na sina Danilo (Dion Ignacio) at Mookie (Shayne Sava). Sa paglalaban nina Emma at Jade para sa karapatan na makasama ang mag-ama, pinalabas ni Jade na kinawawa siya ng kanyang kapatid at pinagmalupitan, dahilan para muling lumayo sa kanya si Mookie.

Kamakailan, ginawan din ng paraan ni Jade, sa tulong ni Logan, na malagyan ng hallucinogen ang iniinom ni Emma para sirain siya kay Danilo, dahilan para ituloy nito ang naudlot na kasal nila ni Jade.

Ngayong linggo, muling malalagay sa panganib ang buhay ni Emma. Dahil sa pagmamahal ni Logan sa kanya ay kikidnapin niya si Emma para mapunta ito sa kanya. Dahil ayaw sumama sa kanya, sasaktan ni Logan si Emma at pilit na iuuwi sa bahay niya.

Bukod pa dito ay maghaharap din ang magkapatid na sina Emma at Jade, kung saan sasaktan at pahihirapan siya ni Jade para makuha na sa wakas si Mookie.

Sa pagtatapos ng Mommy Dearest, mahanap na kaya ni Emma ang kapayapaan at kasiyahan sa kanyang buhay? Mabuo pa kaya ang pamilya nila nina Danilo at Mookie?

Subaybayan ang kapanapanabik na huling linggo ng Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.

MULING KILALANIN ANG MGA BIDA NG 'MOMMY DEAREST' SA GALLERY NA ITO: