GMA Logo Camille Prats as Jade on Mommy Dearest
Source: Mommy Dearest
What's on TV

Mommy Dearest: Jade, unti-unti nang nagiging si Olive!

By Kristian Eric Javier
Published July 8, 2025 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats as Jade on Mommy Dearest


Malalaman na ba ang totoong katauhan ni Jade?

Unti-unti nang lumalabas ang katauhan ni Olive kay Jade (Camille Prats) sa Mommy Dearest! Ano kaya ang naging reaksyon ng mga nakapaligid sa kanya?

Maituturing si Jade bilang isang fun, loving, at mabait habang si Olive naman ay kilala bilang strikto, controlling, at mapagmanipula. Nitong mga nakaraang episodes, hindi maiwasan ng ilang mga nakapaligid kay Jade na nakikita nila ang ilang mga ugali ni Olive sa kanya.

Kamakailan lang, noong tanungin nina Wiro (Mel Martinez) at Kutsy (Viveika Ravanes) si Olive kung may balita ba siya sa kaibigan nila at nanay nito na si Ligaya (Amy Austria) ay nasigawan niya ang dalawa. Sabayan pa ito ng reaksyon na tila wala siyang pakialam ay hindi maiwasan ng dalawa na paghinalaan si Jade.

Nakasama rin ni Flor (Riel Lomadilla) si Jade at maging siya, sa sandaling oras na kasama niya ito, ay napansin ang ilang mga ugali ni Olive sa bagong amo, dahilan para pag-isipan na kapareho nito ang dating boss.

May isang pagkakataon din kung saan, matapos magkaayos sina Emma (Katrina Halili) at Mookie (Shayne Sava) ay nagpatulong si Jade sa dalaga para pigilan ang kanyang nanay Emma at Tatay Danilo (Dion Ignacio), ngunit hinayaan lang ito ni Mookie.

Dahil dito, nagalit si Jade at hinawakan si Mookie sa mukha, isang bagay na ginagawa ni Olive sa kanya noon. Napapansin din niya ang pagiging mainitin ng ulo ng kanyang Mommy Jade na kapareho ng nangyayari sa kanyang dating Mommy Olive.

Sa episode noong June 7, tila nadulas si Jade habang kausap si Emma. Matapos kasi maaksidente si Danilo sa hagdan at maospital, sinita ni Emma ang kapatid na inagaw nito ang kanyang pamilya.

Ngunit sabi ni Jade, si Emma ang naunang nang-agaw nang pumasok ito sa buhay nila ni Mookie. Dito tinawag na ni Emma si Jade bilang si Olive.

Unti-unti nang nakikita ng mga taong nakapaligid sa kanya ang totoong pagkatao ni Jade. Madiskubre na kaya nila ang sikreto nito bago mahuli ang lahat?

SAMANTALA, BALIKAN KUNG PAPAANO NAPASAYA NG 'MOMMY DEAREST' STARS ANG KANILANG FANS SA NAGANAP NA KAPUSO MALL SHOW SA MANILA SA GALLERY NA ITO: