GMA Logo Amy Austria bilang Ligaya sa Mommy Dearest
Source: Mommy Dearest
What's on TV

Mommy Dearest: Kailan mapapalaya ni Ligaya ang mga sikreto ni Jade?

By Kristian Eric Javier
Published July 1, 2025 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Amy Austria bilang Ligaya sa Mommy Dearest


Si Ligaya lang ang makakapagpalaya ng mga sikreto ni Jade.

Unti-unti nang nabubunyag ang totoong pagkakakilanlan ni Jade (Camille Prats) sa Mommy Dearest! At ang makakapagpalaya ng sikretong ito ay ang sarili niyang ina na si Ligaya (Amy Austria).

Matatandaan na naaresto si Olive (Camille Prats) matapos madiskubre na kinidnap niya si Mookie (Shayne Sava) at kung papaano niya pinapahina ito gamit ang gamut. Dahil dito, makukulong na sana siya.

Ngunit bago pa siya tuluyang makulong ay nakatakas si Olive, na hinabol naman ng kakambal niyang si Jade. Pagdating nila sa isang bangin, aksidenteng nahulog ang huli. At dahil palapit na ang mga pulis, nagdesisyon si Olive na kunin ang katauhan ni Jade.

Para paghigantihan si Emma (Katrina Halili), nilagyan ni Jade ng mga gamot ang kaniyang pagkain at inumin, dahilan para mabaliw siya. Kinuha rin ni Jade ang loob ng pamilya nito na sina Danilo (Dion Ignacio) at Mookie.

Sa pagbabalik ni Ligaya, nadiskubre niyang nagpapanggap lang si Olive bilang si Jade, at na ito ang totoong nahulog sa bangin.

Nakiusap si Jade kay Ligaya para 'wag sabihin kina Danilo, Mookie, at sa iba pa nilang mga kasama ang totoo. Ngunit hindi pumayag si Ligaya at pinatulog siya ng sariling anak at iginapos.

Dahil sa malnourishment, napilitan ang tauhan ni Jade na dalhin sa ospital si Ligaya, dahilan para makatakas ito. Sa tulong ng nagbabalik niyang asawa na si Ador (Lito Pimentel), nakapagtago siya.

Sinubukan niyang balikan si Danilo upang sabihin ang totoo, ngunit nahuli na naman sila ng mga tauhan ni Jade. Muli siyang ikinulong at hindi na niya nasabi kay Danilo ang katotohanan.

Kailan kaya mapapalaya ni Ligaya ang mga sikreto ni Jade?

Abangan ang Mommy Dearest Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.

MULING KILALANIN ANG MGA BUMIBIDA SA MOMMY DEAREST SA GALLERY NA ITO: