GMA Logo Camille Prats, Katrina Halili, Amy Austria
Source: Mommy Dearest
What's on TV

Mommy Dearest: Ligaya, nawalan na noon ng anak?

By Kristian Eric Javier
Published March 21, 2025 6:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Elusive December sun leaves Stockholm in the dark
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats, Katrina Halili, Amy Austria


Ano'ng sikreto ang tinatago ni Ligaya kay Emma?

Isang rebelasyon ang ipinaalam ni Ligaya (Amy Austria) sa kanyang anak na si Emma (Katrina Halili) nang pagtalunan nila ang tungkol sa pagiging isang ina sa March 20 episode ng Afternoon Prime series na Mommy Dearest.

Sa naturang episode ay nahuli na ni Olive (Camille Prats) ang pagkukwentuhan at pagiging close nina Emma at Mookie (Shayne Sava). Dahil pakiramdam niya ay tinraydor siya ng mga ito ay sinisante niya si Emma.

Sa labas ay naghihintay si Ligaya na nasaksihan ang pagsisante kay Emma. Dito ay ipinahayag ng kanyang anak ang pag-aalala nito kay Mookie, na ikinagalit niya dahil mas inuuna pa nito umano ang ibang tao.

Muling naungkat ang minsang pagsabi ni Ligaya na ipaampon na lang noon ang anak ni Emma na si Kayla, at sinabing hindi pa nito nararamdamang mawalan ng anak at hindi naiintindihan si Emma.

Ngunit sabi ni Ligaya, alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng anak, dahil siya rin ay nawalan. Ngunit nang hingan siya ni Emma ng paliwanag ay biglang nanahimik si Ligaya. Nang mapilit na siya sa wakas na magkuwento, sinabi ni Ligaya na pakiramdam niya ay nawalan na siya ng anak noong nagkasakit nang malubha si Emma.

Kuwento ni Ligaya ay naghahanap siya ng pera at iniwan si Emma sa kapitbahay. Ngunit pagbalik niya umano ay wala na ito, hanggang sa maibalik ulit ang anak niya.

Ngunit ang netizens, may mga haka-haka sa totoong ibig sabihin ni Ligaya. Ang iba, sinabing maaaring magkapatid talaga sina Olive at Emma, habang ang iba naman ay sinabing baka pinagpalit din nito ang dalawa noong mga sanggol pa lang.

Source: gmanetwork/YT

Ano kaya ang sikretong itinatago ni Ligaya kay Emma? Alamin sa Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.

SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA BIDA NG 'MOMMY DEAREST' SA GALLERY NA ITO: