
Sa huling dalawang linggo ng Mommy Dearest, maghaharap-harap na sina Jade (Camille Prats), Emma (Katrina Halili), Danilo (Dion Ignacio), at Logan (Rocco Nacino)!
Matatandaan na sa mga nakaraang episode ay pinilit ni Emma na makuhang muli ang kaniyang pamilya, lalong-lalo na ang anak na si Mookie (Shayne Sava). Dahil kasi sa ginawa ni Jade na pagpapadala sa kaniya sa mental institution at pagmamanipula sa kaniyang pamilya, lumayo ang loob ng nina Danilo at Mookie kay Emma.
Ngayon na tila magkasundo nang muli sina Emma at Mookie, at mukhang magkakabalikan na rin sila ni Danilo, ay nasaktan ng husto sina Jade at Logan dahil sa pagmamahal sa kani-kanilang partners.
Ngunit hindi susuko sina Jade at Logan sa kanilang pagmamahal kaya naman, gagawin nila ang lahat para mapasakanila ang puso nina Danilo at Emma.
Meron ding mga sikretong mabubunyag at mga buhay na magbabago sa last two weeks ng Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.
MULING KILALANIN ANG MGA BIDA NG MOMMY DEAREST SA GALLERY NA ITO: