GMA Logo Emma, Katrina Halili
Source: Mommy Dearest
What's on TV

Mommy Dearest: Malalagay sa panganib ang buhay ni Emma!

By Kristian Eric Javier
Published June 30, 2025 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino teachers face visa delays as US expands social media checks
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Emma, Katrina Halili


Maliligtas kaya nina Mookie at Danilo si Emma mula sa panganib?

May bagong panganib na naman na nakaabang sa buhay ni Emma (Katrina Halili) sa Mommy Dearest!

Sa mga nakaraang episode ng naturang GMA Afternoon Prime series, muling nagkairingan sina Emma at Jade (Camille Prats) lalo na patungkol sa pamilya ng nauna. Pilit kasi binabawi ni Emma ang kanyang anak na si Mookie (Shayne Sava) mula kina Jade at Danilo (Dion Ignacio).

Sa ilang mga pagkakataon, napapansin ni Jade si Danilo na tila nahuhumaling pa rin kay Emma, bagay na ikinaiinis niya. May mga panahon naman na pilit kinakausap ni Emma si Mookie, ngunit pinagtatabuyan siya nito.

Sa episode nitong Biyernes, June 27, muling nagkaroon ng iringan sina Emma at Jade lalo nang lumabas ang nauna ng naka-bikini na tila naging dahilan para maakit niya muli si Danilo. Dahil dito, nagalit si Jade sa kanyang katunggali, at nainis sa kaniyang fiancé.

Dahil dito ay muli na naman niyang inaway si Emma ngunit dahil mas palaban na ito ay gumanti ito kay Jade.

Lalo pang naging malakas si Emma kay Mookie nang maligtas niya ito mula sa pagkakalunod, at sa tulong ni Danilo, ay nadala nila ang dalaga sa clinic ng resort. Ngunit bago pa nagising ang kanyang anak ay hinarang na ni Jade si Emma at pinaalis.

BALIKAN ANG PERFORMANCE NG 'MOMMY DEAREST' CAST SA NAGANAP NA KAPUSO MALL SHOW SA GALLERY NA ITO:

Nagsinungaling din si Jade kay Mookie na umalis kaagad ang kanyang nanay at sumama na kay Logan (Rocco Nacino). Ngunit dahil sa sinabi ni Zayn (Prince Carlos) na ipinaalam sa kanya ang totoo galing kay Flor (Riel Lomadilla), naengganyo si Mookie na kausapin at alamin ang totoo mula sa kanyang nanay.

Ngunit tila mauudlot pa ang kanilang madibdibang usap dahil makikita nina Mookie at Zayn ang pagkidnap kay Emma! Hihingi rin sila ng tulong kay Danilo pero maligtas pa kaya nila si Emma?

Abangan ang Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.