GMA Logo Mommy Dearest April 29 episode
Source: Mommy Dearest, gmanetwork/YT
What's on TV

Mommy Dearest: Si Emma ang tunay na ina ni Mookie

By Kristian Eric Javier
Published April 29, 2025 4:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Noel Bazaar offers local products for Christmas gift shoppers
Pipila ka mga Vendors sa Pabuto, Namaligya Gihapon Duol sa mga Panimay | Balitang Bisdak
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!

Article Inside Page


Showbiz News

Mommy Dearest April 29 episode


Nalaman na sa wakas ni Emma at Danilo na sila ang tunay na mga magulang ni Mookie!

Nalaman na sa wakas ni Emma (Katrina Halili) na totoong anak niya si Mookie (Shayne Sava)!

Sa mga nakaraang episode ng Mommy Dearest, nakita ni Emma ang hugis-pusong balat ni Mookie, isang palatandaan ng anak nila ni Danilo (Dion Ignacio) na si Baby Kayla. Dahil dito ay nagkaroon siya ng hinala na maaaring ito nga ang kanilang anak.

Lalo pang tumindi ang paghihinala ni Emma nang malaman nina Danilo at Bukoy (Nico Antonio) na si Olive nga ang kumuha noon kay Kayla.

Sa episode nitong Lunes, April 28, matapos maaksidente ni Mookie ay hinamon ni Emma si Olive na magpa-DNA test sila nang magkaalaman na kung sino talaga ang tunay na ina ni Mookie.

Ngunit tila may kababalaghan na gagawin sina Olive at Astrid (Winwyn Marquez), na may binayaran na isang nurse para baguhin ang magiging resulta. Sabi ni Astrid sa kaniyang kaibigan, meron na siyang nakausap mula sa DNA testing center at sigurado siyang magma-match ang DNA ng kaniyang kaibigan kay Mookie.

BALIKAN ANG BEHIND THE SCENES NG PHOTOSHOOT PARA SA 'MOMMY DEAREST' SA GALLERY NA ITO:


Ngunit sa pagbasa nila sa naturang test, lumabas pa rin na si Emma nga ang tunay na ina ni Mookie, at ito nga ang nawawalang anak nila ni Danilo na si Kayla.

Ngunit hindi pa rin makapaniwala si Olive sa resulta at inakusahan pa sina Emma na tinamper ang nasabing resulta. Sa labas ng ospital, ipinaalam ni Astrid na hindi nagawa ng nurse na binayaran nila ang pagbabago ng resulta at ibinalik ang bayad nila.

Masayang-masaya naman sina Emma, Danilo, at Ligaya (Amy Austria) sa nalaman nila. Ngunit si Olive, dahil may konkretong ebidensya na sila Emma na siya ang tunay na ina ni Mookie, ay maaari na siyang makasuhan at ipakulong.

Samantala, tila nagkakamalay na rin si Mookie. Kamusta kaya siya matapos ang aksidenteng nangyari sa kaniya? Ano naman ang kahihinatnan ni Olive ngayon may matibay ng ebidensya sina Emma para kasuhan siya?

Abangan ang Mommy Dearest Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.