
Emosyonal ang muling pagtatagpo ng mag-lola na sina Mommy Dionisia at Jimuel Pacquiao.
Isang video sa Instagram ang in-upload ng long-term boyfriend ni Mommy D na si Mike Drilon Yamson, kung saan mapapanood ang heartfelt reunion ng mag-lola.
Naiyak si Mommy D sa muli nilang pagkikita ni Jimuel na ayon sa caption ng post ay five years silang hindi nagkasama.
Naganap ang kanilang reunion sa Los Angeles, California, kung saan naninirahan si Jimuel at ang kanyang growing family- ang partner na si Carolina at kanilang adorable baby girl.
Ito ang kauna-unahang beses na na-meet ni Mommy D ang pamilya ng kanyang apo na si Jimuel kaya naman personal silang nagpakilala sa isa't isa.
Ramdam sa video ang excitement ni Mommy D nang nakita niya na ang kanyang apo sa tuhod.
Related gallery: Jimuel Pacquiao and partner Carolina's baby shower for first child
Mayroon na ngayong more than 800,000 views ang video ng pagkikita ng mag-lola.
Si Jimuel ay panganay na anak ng Pinoy boxing legend na si Manny Pacquiao at ni Jinky Pacquiao.