GMA Logo Mommy Grace, Miguel Tanfelix,
source: grace_tanfelix/IG
What's on TV

Mommy Grace, Miguel Tanfelix, hindi inasahan ang pagsikat ng cooking videos

By Kristian Eric Javier
Published March 28, 2025 10:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Mommy Grace, Miguel Tanfelix,


Hindi umano inasahan nina Mommy Grace at Miguel Tanfelix ang paglaki ng "Okay na 'to" trend at cooking videos ng una.

Kilala man ngayon bilang isang cooking content creator at para sa kaniyang “Okay na 'to” trend sa mga social media, hindi umano inaasahan ni Mommy Grace Tanfelix, ang ina ng aktor na si Miguel Tanfelix, ang kasikatan na tinatamasa niya ngayon.

Sa pagbisita ng mag-ina sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, March 27, para sagutin ang tanong ni King of Talk Boy Abunda, ibinahagi ni Mommy Grace na pinangarap niya noon maging artista ngunit alam niyang hindi siya qualified para maging isa.

Kaya naman, aminado si Mommy Grace na hindi niya inasahan ang kasikatan na tinatamasa niya ngayon dahil sa paggawa niya ng food content, lalo na ang pag-trend ng kaniyang linyang “Okay na 'to.”

Aniya, “Kasi 'yun din naman po talaga 'yung sinasabi ko everytime matatapos akong magluto, 'yun talaga 'yung sinasabi ko. So sabi ko, why not gamitin ko ito since hindi ako nagsasalita.”

Pagpapatuloy pa ni Mommy Grace, dahil marami na rin ang nagkomento tungkol sa hindi niya pagsasalita, naisip na lang niya na magkaroon ng closing spiels, at nagsimulang sabihin ang mga naturang kataga.

Paliwanag niya kung bakit hindi siya nagsasalita habang nagluluto, “Hindi po kasi ako kumportable rin magsalita sa harap ng camera. Parang nahihiya din akong magsalita. And gusto ko lang na mas madaling masundan ng mga tao 'yung recipes ko kasi kapag marami pa pong sinasabi, baka [malito].”

Kahit umano si Miguel Tanfelix, hindi inaasahan ang pagsikat ng kaniyang Mommy Grace lalo na at nang simulan nila ito noong pandemic ay para sa katuwaan lang.

“And then nag-hit 'yung kaldereta, and then 'yung pinaka-recent, 'yung naging trending 'yung 'Okay na 'to.' Du'n talaga parang nag-sky rocket,” sabi ng aktor.

Kuwento pa niya ay minsan, ang mommy na niya ang hinahanap at hindi siya, at kung minsan naman ay sa kaniya na umano dinadaan ang mga request para sa kaniyang mommy.

“Ako po minsan 'yung handler niya dahil may mga kumo-contact po sa akin, tapos ako 'yung middle man. Ako 'yung kunyari may inquiry, sasabihin po sa'kin,” ani Miguel.

Nang tanungin naman siya kung nagkaroon ba siya ng takot sa pagpasok ni Mommy Grace sa mundo na puno umano ng bashing, sinabi ni Miguel na hindi. Ngunit aminado ang aktor na noong una ay may pangamba siya.

“Kasi parang gusto ko hiwalay palagi 'yung career sa personal life, pero kung 'yun naman 'yung nagpapasaya kay mommy and nakakatulong din sa career niya, why not?” sabi ng aktor.

KILALANIN ANG BAGONG MGA CONTENT CREATOR NG STATUS BY SPARKLE SA GALLERY NA ITO: