GMA Logo Mommy Grace Tanfelix cooking show
What's Hot

Mommy Grace Tanfelix, may bagong cooking project?: 'Siguradong mapapa-okay na 'to'

By Aimee Anoc
Published March 16, 2025 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Backstreet Boys drop 2025 version of 'I Want It That Way' music video
P500,000 cash, jewelry lost to burglars in mall in Pavia, Iloilo
Brandon Espiritu recommends this workout as a running alternative

Article Inside Page


Showbiz News

Mommy Grace Tanfelix cooking show


Ano kaya ang nilulutong proyekto ni Mommy Grace Tanfelix? Panoorin ang pasilip niya rito.

May nilulutong bagong proyekto si Mommy Grace Tanfelix!

Sa Instagram, isang teaser video ang ibinahagi ni Mommy Grace kung saan maririnig na sinasabi niya ang patok na linyang "Okay na 'to!" Maririnig din ang paglapag niya ng plato sa mesa kung saan ipinakita na sauce na lamang ang naiwan dito.

A post shared by Mommy Grace Kitchen (@mommygracekitchen)

Ang teaser video ay collaboration post nina Mommy Grace, ng kanyang anak na si Miguel Tanfelix, at ng page na mommygracekitchen.

Ilan sa celebrities na nag-iwan ng comments sa post na ito ni Mommy Grace ay sina Kokoy de Santos, Rayver Cruz, at Derrick Monasterio.

Isa si Mommy Grace Tanfelix sa mga viral na food content creator ngayon, na kilala sa kanyang linyang "Okay na 'to!" Kasalukuyan siyang mayroong mahigit 13.9 million likes sa kanyang TikTok page at 3.1 million followers sa Facebook.

MAS KILALANIN SI MOMMY GRACE TANFELIX SA GALLERY NA ITO: