
Ang mommy ni Michael Sager na si Joy Sager ang pinakabagong special guest sa Unang Hirit Kitchen.
Related gallery: Get to know more about Michael Sager
Game na game na ibinahagi ng mommy ni Michael sa Unang Hirit Barkada ang kaniyang recipe sa pagluluto ng Special Seafood Fiesta.
Ayon kay Mommy Joy, nakahiligan niyang magluto nito matapos niyang makakain ng ganitong putahe sa isang restaurant kasama ang pamilya.
Nakasama ng mag-ina sa pagluluto ang isa sa hosts ng programa na si Suzi Entrata-Abrera.
Sa pagbisita ni Mommy Joy, mapapansin na talaga namang masaya silang nagka-bonding ng kaniyang anak na si Michael.
Si Michael ay nakilala kamakailan lang sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang Diligent Wonderson ng Marinduque.
Ang Kapamilya star na si Emilio Daez ang kaniyang ka-duo bago siya lumabas sa Bahay Ni Kuya.
Samantala, matatandaang kasunod ng ikatlong eviction night, natanggap ni Michael ang isang bagong task bilang Kapuso--ang role niya ngayon bilang host-mate sa Unang Hirit.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay ng mga sikat, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.