
Nasa Pilipinas ang Momoland, ang grupong nagpasikat ng viral dance craze na 'BBoom BBoom,' para sa isang private concert ngayong weekend.
Sa isang interview with 24 Oras, ikinuwento ng grupo na natuwa sila sa warm welcome ng mga Pinoy at sa mga souvenirs and gifts na natanggap nila mula sa kanilang fans.
Aniya, "We're finally here in the Philippines."
Nagpasalamat din si Nancy sa nagbigay sa kanya ng unan na may design ng The Little Mermaid. Ika niya, "Thank you, I love Little Mermaid."
Balak din bigayan ni former Governor Chavit Singson ng mini vacation ang grupo. Kuwento niya, "Siguro ipapasyal ko sa Cebu, Manila, Ilocos, and other places."
Na-meet din ng grupo ang boxing champ na si Manny Pacquiao during their courtesy call sa embassy.
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: