
Sa ikalawang linggo ng Moon Embracing The Sun, ipinagtapat na ni Prinsipe Lee Won (Yeo Jin-goo) ang tunay na nararamdaman kay Yeon Woo (Kim Yoo-jung). Inamin na rin ng prinsipe na hindi niya magawang kalimutan si Yeon Woo kahit na pilit siyang nilalayuan nito.
Samantala, hindi naiwasang magselos ni Yeon Woo nang malamang palihim na nakipagkita ang prinsipe kay Bo Kyung (Kim So-hyun). Agad namang nilinaw ng prinsipe na nagkamali ang utusan niya sa babaeng iniharap sa kanya.
Sa muling pagkikita, hiling ng prinsipe na si Yeon Woo ang mapiling itinakdang prinsesa. Hindi naman ito nagkamali dahil pinahanga ni Yeon Woo ang hari sa kanyang talino at magandang pag-uugali.
Pero hindi pabor ang Dakilang Inang Reyna sa pagpili kay Yeon Woo bilang itinakdang prinsesa. Kaya naman gumawa ito ng paraan para hindi matuloy ang kasal ng prinsipe at ni Yeon Woo.
Sikretong inutusan ng inang reyna si Lady Jang, isang babaylan, na magsagawa ng mahika para magkaroon ng malalang sakit si Yeon Woo. Hanggang isang araw, nabalitaan na lamang ng lahat na pumanaw na ang huli.
Patuloy na subaybayan ang Moon Embracing The Sun, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 pm sa GTV.
Panoorin ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.