GMA Logo Han Ga-in and Kim Soo-hyun
What's on TV

Moon Embracing The Sun: Ang katuparan ng pangarap ni Haring Lee Hwon na makasama si Yeon Woo

By EJ Chua
Published March 8, 2022 7:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Han Ga-in and Kim Soo-hyun


Sa loob ng mahabang panahon, natupad din ang pangarap ni Haring Lee Hwon na makasama si Yeon Woo bilang kanyang reyna.

Sa ikawalong linggo ng Moon Embracing The Sun, hiniling ni Yeon Woo (Han Ga-in) kay Haring Lee Hwon (Kim Soo-hyun) na huwag na lamang ilabas ang katotohanan tungkol sa sumpang kamatayan na nangyari sa kanya noon.

Iniiwasan ni Yeon Woo na malaman ng kapatid ang tunay na dahilan kung bakit nawala siya ng mahabang panahon. Ayaw nitong masira ang pagsasama ng kapatid at ni Prinsesa Mina.

May nagawa mang kasalanan si Lady Jang sa kanya, labis pa rin ang pasasalamat ni Yeon Woo sa punong babaylan na nagsilbi niyang ina sa loob ng walong taon.

Sa nangyaring pag-aaklas sa palasyo, hindi inaasahan ni Haring Lee Hwon na sangkot ang kapatid na prinsipe sa tangkang pagpatay sa kanya.

Pero nagawa lamang ito ni Prinsipe Yang Myung para maprotektahan ang ebidensya na magpapatunay sa mga kasalanang nagawa ng matataas na opisyal sa palasyo.

Sa pagtatapos, natupad din ang pangarap ni Haring Lee Hwon na makasama si Yeon Woo bilang kanyang reyna.

Panoorin ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.