GMA Logo Han Ga-in and Kim Soo-hyun
What's on TV

Moon Embracing The Sun: Ang pagbabalik ng mga alaala ni Wol

By Aimee Anoc
Published February 21, 2022 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Han Ga-in and Kim Soo-hyun


Aaminin na kaya ni Wol ang katotohanan kay Haring Lee Hwon na siya si Yeon Woo?

Sa ikaanim na linggo ng Moon Embracing The Sun, pinatunayan ni Prinsipe Yang Myung (Jung Il-woo) sa kagawaran na inosente at walang ginawang masama si Wol (Han Ga-in) laban sa hari (Kim Soo-hyun) at reyna (Kim Min-seo).

Dahil sa labis na pag-aalala sa ginawang pagpapahirap kay Wol ng kagawaran, si Haring Lee Hwon na mismo ang nagpunta sa bilangguan para kumustahin ito.

Samantala, labis na ikinagulat ng lahat nang makitang buhay pa si Wol matapos na ikulong kasama ang isang masamang espiritu. Sa pagkakataon ding ito, nagbalik na ang mga alaala ni Wol tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.

Ngayong naalala na ni Wol ang kanyang nakaraan, aalamin nito ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay at ang itinatagong lihim ni Lady Jang, ang punong babaylan na nagkupkop sa kanya.

Hindi rin pinalagpas ni Wol ang pagkakataon na humarap sa reyna, na ikinagulat ng huli dahil sa malaking pagkakahawig nito kay Yeon Woo.

Patuloy na subaybayan ang Moon Embracing The Sun, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 pm sa GTV.

Panoorin ang Moon Embracing The Sun at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.