
Sa unang linggo ng Moon Embracing The Sun, nalaman na ni Yeon Woo (Kim Yoo-jung) ang kasagutan sa bugtong ni Prinsipe Lee Hwon (Yeo Jin-goo), na ang huli ang itinakdang prinsipe.
Hindi naging maganda ang unang pagkikita nina Yeom at Prinsipe Lee Hwon dahil insulto para sa huli na labing-pitong taong gulang lamang ang magiging guro niya. Kaya naman gumawa ng isang kasunduan si Yeom kung saan siya na mismo ang bibitiw bilang guro kung masasagot ng prinsipe ang kanyang mga bugtong.
Samantala, nang malaman ni Prinsesa Minhwa na guro ng kanyang kuya si Yeom, agad nitong hiniling sa hari na maging guro rin nito ang huli. Pero hindi pumayag ang hari sa nais na mangyari ng prinsesa.
Kaya naman agad na nag-isip ng solusyon si Ministro Yoon para hindi malungkot ang prinsesa at makapasok ng palasyo ang kanyang anak na babae na si Bo Kyung (Kim So-hyun).
Habang magkakasamang naglalakad, nasalubong nina Yeon Woo, Bo Kyung, at Prinsesa Minhwa ang hari. Hindi naiwasang kabahan nina Yeon Woo at Bo Kyung sa naging katanungan ng hari dahil nasa likuran lamang ang kanilang mga ama.
Nais ng hari na maging magandang ihemplo sina Yeon Woo at Bo Kyung para kay Prinsesa Minhwa. Pero hindi naiwasang mainggit at magalit ni Bo Kyung kay Yeon Woo nang masagot nito ang katanungan ng hari.
Patuloy na subaybayan ang Moon Embracing The Sun, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 p.m sa GTV.
Panoorin ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.